Ate Gay naloka sa ‘Rest In Peace’ message ng netizens: Maliiii! Juskoo po!

Nora Aunor at Ate Gay
LOKANG-LOKA ang stand-up comedian na si Ate Gay sa mga nagpapadala sa kanya ng “Rest in peace” message sa social media.
Ito’y matapos ngang mabalita ang biglaang pagpanaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor dahil sa acute respiratory failure.
Ni-repost ni Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, sa kanyang Facebook account ang isa sa mga natanggap niyang mensahe mula sa mga netizens.
“Ate Gay Rest In peace po. Salamat po sa malaking contribution mo sa showbiz industry. Mananatili ka sa pusu’t isipan namin,” mensahe ng netizen.
Ang caption ni Ate Gay sa kanyang FB post, “Maliiiiiii juskoooo Po.”
“Nagluluksa Ako dahil 3 dekada Kong bitbit Ang pangalang Nora Aunor sa pagiging Ate Gay ko…pero napatawa mo Ako, di ko alam kung pano mapapasaya tita mo,” ang sabi pa ng komedyante.
Si Ate Gay ang ay isa sa mga pinakasikat na impersonator ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na binawian ng buhay noong Miyerkules Santo, April 16.
Ayon sa anak ni Ate Guy na si Ian De Leon, acute respiratory failure ang ikinamatay ng kanyang ina matapos sumailalim sa isang medical procedure.
Kahapon, April 19, personal na dumalaw si Ate Gay sa burol ni Nora Aunor sa Heritage Park sa Taguig City kung saan hindi niya napigilan ang sarili na maiyak nang magpaunlak ng interview sa media.
Napakalaki raw ng utang na loob niya kay Ate Guy dahil nagkaroon siya ng maraming trabaho at proyekto dahil sa pag-i-impersonate sa kanyang idolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.