Lolit Solis kay Alden Richards: ‘Don’t worry hindi ka basta maibabagsak!’

PHOTO: Instagram/@akosilolitsolis
INAMIN ng batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis na awang-awa siya sa aktor na si Alden Richards.
Ito ay dahil sa patuloy na pangnenega at pamba-bash sa kanya ng ilang haters at bashers matapos dumalo sa 30th birthday party ng dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.
“Salve naawa naman ako na naririnig ko na meron nagsasalita ng masakit against Alden Richards,” bungad ni Manay Lolit, kalakip ang mapoging picture ng aktor.
Paglalarawan niya, “Isa si Alden sa magalang at marespeto na tao na nakilala ko. At para ngang too sweet to be true.”
“Sana naman makita ng lahat ang mga kabutihan ni Alden Richards para malaman nila how nice and sweet a person si Alden,” patuloy niya sa isang Instagram post.
Baka Bet Mo: Alden nag-socmed break dahil namatayan ng lolo: ‘I need to drop everything’
Mensahe pa niya sa manager ni Alden na si Carlites De Guzman o kilalang Mama Ten, “Basta nasa tabi ka ni Alden Richards tiyak ko na meron siyang makakapitan lagi.”
“Kawawa naman kung walang tao sa tabi ni Alden sa mga panahon meron hindi nakakaintindi sa kanya. Kahit pa nga alam natin you can never put a good man down, mahirap parin walang sandalan si Alden,” dagdag ng kolumnista.
Kasunod niyan ay may paalala rin si Manay Solis para sa heartthrob actor, “Don’t worry Alden, kahit ano pa gawin nila, basta alam mo ang totoo hindi ka nila maidadapa.”
“Alden Richards is the man of the hour, at hindi basta maibabagsak. Take my words, you are my idol. Promise [thumbs up emoji],” aniya pa.
View this post on Instagram
Recently lamang, naging usap-usapan si Alden na spotted sa birthday celebration ni Maine.
Walang pictures sa social media na magkasama sina Alden at Maine, pero ang kumalat online ay ‘yung magkahiwalay nilang litrato na ibinandera ng komedyanang si Jessa Chichirita na makikita sa IG.
Dahil sa na-sight na photos, natuwa nang sobra ang AlDub fans at umaasa sila aa posibleng reunion project ng dalawa.
Maliban diyan, marami rin ang nangnega sa pagpunta ni Alden sa party ni Maine at sinabing sana hindi na lang daw ito dumalo dahil feeling nila, ginagamit lang ng aktor ang dati niyang ka-loveteam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.