Alden Richards ‘break’ muna sa acting, focus na sa hosting

Alden Richards ‘break’ muna sa acting, mag-fofocus na sa pagiging host

Pauline del Rosario - February 08, 2025 - 07:00 AM

Alden Richards ‘break’ muna sa acting, mag-fofocus na sa pagiging host

PHOTO: Facebook/Alden Richards

BREAK muna sa acting ang Asia’s Multi-Media Star na si Alden Richards matapos ang sunod-sunod na matagumpay na proyekto last year.

Ayon sa ulat ng “Chika Minute” ng news program na 24 Oras, ang aktor ay nakatakdang bumalik sa television variety show na “All-Out Sundays” simula sa Linggo, February 9.

“Very excited, very happy na kahit papaano ay nakabalik tayo, of course, to perform again with my fellow-Kapuso stars,” sey ni Alden nang makapanyam ng entertainment reporter na si Nelson Canlas.

Wika pa niya, “It’s been, I think, a year ata since my last appearance.”

Baka Bet Mo: Alden binisita si Sandara Park, netizens kinilig: K-drama naman d’yan!

Pasabog ang magiging comeback ni Alden dahil magkakaroon siya ng performance with fashion icon Heart Evangelista!

“Birthday month kasi ni Heart so makiki-celebrate tayo. May [production] din kasama ko siya and othe AOS artists,” pagbubunyag niya.

Bukod diyan, sasalang siya sa bagong hosting gig na upcoming show ng Kapuso Network.

Wala pang detalye, pero nabanggit ni Alden na ito ay mapapanood simula Hunyo.

“I’ll be a host for a show on GMA. I think we’ll start grinding by March, and I think it will air in June,” rebelasyon niya.

Chika pa niya, “My last was ‘Battle of the Judges’ pa and it really did well, so ngayon another new concept.”

Recently lamang, bumida si Alden sa Netflix at GMA Prime series na “Pulang Araw” kasama sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

Bago ‘yan, nagkaroon siya ng pelikula noong Nobyembre ng nakaraang taon kung saan ay nakatambal niya si Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Again,” ang sequel ng 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang record-breaking ang pelikula nina Alden at Kathryn na nakuha ang titulong highest-grossing Filipino film of all time.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending