Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: 'Gusto kong maiyak'

Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: ‘Gusto kong maiyak’

Pauline del Rosario - May 27, 2024 - 05:17 PM

Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: 'Gusto kong maiyak'

Lolit Solis, Kris Aquino

NAGING emosyonal ang batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa kanyang recent social media post.

Ito ay matapos mabalitaang bibigyan siya ng regalo ng Queen of All Media na si Kris Aquino para sa kanyang ika-77th birthday.

Sa Instagram, inamin ni Manay Lolit na na-touch siya sa sweet gesture ng dating TV host.

Dahil, aniya, sa gitna ng pinagdadaanang health problems ay naalala pa siya ni Kris.

“Gusto ko na naman maiyak Salve. Tumawag si Check, isa sa PA ni Kris Aquino dahil may pinadadalang regalo si Tetay,” kwento ng batikang kolumnista sa isang IG post, kalakip ang litrato nina Kris at ang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Baka Bet Mo: Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

Patuloy ni Manay Lolit, “Imagine mo na sa gitna ng mga health problems ni Kris maisip pa niyang magpadala ng gift para sa akin.”

“Napaka thoughtful niya at ito iyon sinasabi ko na si Kris never nagtatanim ng sama ng loob,” sambit niya.

Ayon pa sa talent manager, madalas ay away-bati sila ni Kris dahil napipikon sa kanya ang dating TV host, pero isa raw itong patunay na never nagtatagal ang tampo o pagkapikon nito sa kanya.

“Kaya naman all this years may soft spot siya talaga sa puso ko. Never ko siya inaalis sa listahan ng mga tao na mahal ko. Thank you Kris,” wika ni Manay Lolit.

Mensahe pa niya sa Queen of All Media, “Praying na sana maging maayos ang health mo at maging peaceful ang emotion mo. I will always love you dahil mabait ka talaga. Stay safe.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Magugunita noong May 19, naghandog ng masayang birthday celebration si Senador Bong Revilla para kay Manay Lolit.

 Star-studded ang naging party ng batikang kolumnista na kung saan present ang ilang artista, kabilang na sina Paolo Contis, Pauleen Luna, Vic Sotto, Christopher De Leon, Benjie Paras, Christopher De Leon, Tonton Gutierrez, at marami pang iba.

Ayon sa naunang IG post ng talent manager, “Isa na yata sa pinakamasayang araw sa buhay ko iyon lunch na binigay ni Bong Revilla para sa birthday celebration ko.”

“Talagang I will never forget that day. So thankful and grateful for my friends, lalo na sa mga alaga ko na mga anak ko na talaga. Feel na feel ko ang sincere love nila sa akin na talagang parang nanay na nila ako,” ani pa sa bahagi ng kanyang IG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakisaya rin sa selebrasyon ang misis ni Sen. Bong na si Rep. Lani Mercado.

Wala roon ang senador dahil kasalukuyan pa itong nagpapagaling mula sa kanyang foot surgery.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending