Bela Padilla nag-rant sa ugali ng mga Pinoy sa airport, netizens nag-react
NAGLABAS ng saloobin ang aktres na si Bela Padilla patungkol sa lagay sa loob ng airport ngayong holiday.
Sa kanyang X (dating Twitter), nagtanong ang aktres kung kumusta ang lagay ng paliparan lalo na ngayong Yuletide season.
“Has anyone here flown from NAIA terminal 3 for a domestic flight on Christmas’ eve before? If you have, how crazy was it? (so I know how early I should be at the airport) ,” tanong ni Bela noong December 23.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng heads up sa aktres na punuan ang tao sa airport dahil karamihan ay naka-vacation mode on at madalas ang pagkakaroon ng pagka-antala o delay sa flight.
Baka Bet Mo: Bela Padilla nagpasaring kay Cat Arambulo: Come on!
View this post on Instagram
Isang araw pagkatapos ng kanyang naunang tweet ay nagbahagi si Bela ng kanyang saloobin kung bakit nagiging “chaotic” ang airport.
Wala siyang binanggit na partikular na airport ngunit ang intindi ng mga netizens ay ang Ninoy Aquino International Airport ang tinutukoy nito dahil sa salitang “ours.”
“Of all the airports in the world…one of the major reasons ours are so chaotic is because no one listens or wants to line up when told to and the same people will get angry when things don’t go their way haaaay…happy holidays!!!” sey ni Bela.
Isang netizen naman ang sumagot sy sinisi ang paraan ng pag-manage ng airport.
“Or it is chaotic because the airline and airport management system to run the whole operation is also chaotic and ineffective?” sey ng netizen.
“Not really…boarding was on time and they called out the groups by number the airport supplied more chairs than usual,” reply naman ni Bela.
Marami rin sa mga netizens ang naglabas mg kanilang saloobin sa pinost ng aktres.
“”Is this your personal experience, once or twice? Which airport? Please be specific. You are entitled to your own opinion, but do not generalized, because this is NOT always the case. Most of my at least 60+ flights in 2024 in various airports in the Philippines were in order and hassle-free,” sey ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “It’s the me, me, me mentality of Filos. Have a safe flight. Happy holidays!”
“Kulang kasi sa disiplina ang mga Pilipino pero nangunguna din sa pagkareklamador pag sila na nakaranas ng inconvenience. How ironic,” sabi pa ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.