Ice Seguerra umapela sa NAIA, asawa nawalan ng gamit sa maleta

Ice Seguerra umapela sa NAIA, asawa nawalan ng gamit sa maleta

Therese Arceo - March 27, 2025 - 07:34 PM

Ice Seguerra umapela sa NAIA, asawa nawalan ng gamit sa maleta

VIRAL ngayon ang reklamo ng singer-songwriter na si Ice Seguerra tungkol sa pagkawala ng mga gamit sa bagahe ng asawang si Liza Diño.

Sa kanyang Facebook post noong Miyerkules, March 26, ibinahagi niya na dalawang items ang nawawala sa isang box at isang maleta ng dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman.

“Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap yung security niyo diyan? Para ma check yung mga lost items,” saad ni Ice.

Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang post ng singer.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Sitti naglasing sa mismong kasal ni Juris, wasak ang puso

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Nangyari din sa akin yan nung umuwi ako sa pinas for vacation. Yong 1 maleta ko nawala! Pal din ang sinakyan namin tapos ni report ko din nabalik naman sakin ang maleta kaso sira na yong lock binuksan talaga! At may mga pasalubong akong nawala. Sana matigil na yang kalokohan nila kasi nakakatrauma naman kung ganyan ang mangyayari tuwing magbabakasyon,” saad ng isa sa post ni Ice.

Comment naman ng isa, “Pano po natin promote yung tourism natin kung sa NAIA p lng trauma n tayo, what more mga foreigners n visitor ng Bansa kabayan wag n tayo magtaka kung sa ibang bansa magnanakaw ang tingin satin dahil mismo sa bansa natin Pilipinas ganun gawain.”

“Dapat lahat ng sulok ng NAIA may cctv para mkita lahat ng mga tauhan nila kung sino yung mga nagnanakaw ng mga gamit na nawawala,” hirit pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang kamakailan lang nang muling mag-trending ang NAIA matapos magreklamo ang mag-ina na muntik hindi makaabot sa flight sa pag-aakusang may bala ng baril ang kanyang bag.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang NAIA sa reklamo ni Ice.

Wala pa ring panibagong update ang singer patungkol sa missing items ng asawa na hindi na niya nabanggit kung ano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending