Lalaking pasahero timbog sa bitbit-bala sa NAIA

ARESTADO ang isang lalaking pasahero sa NAIA Terminal 3 nang madiskubre ang ilang bala sa kanyang bagahe.
Base sa impormasyon mula sa Office for Transportation Security (OTS), apat na piraso ng bala ng .9mm pistol ang nakuha sa 28-anyos na pasahero.
Nadiskubre ang mga bala nang dumaan ang bagahe ng lalaki sa Final Security Screening checkpoint at nagsagawa ang mga tauhan ng OTS ng manual inspection.
Walang naipakitang dokumento ang lalaki ukol sa mga nadiskubreng bala kayat inaresto na siya.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Commission on Election (Comelec) gun ban at paglabag sa RA 10591 ang pasahero.
Paalala na rin ni PNP – Aviation Security Group director, Brig. Gen. Christopher Abecia sa mga pasahero na suriin mabuti ang mga bag sa kanilang pagbiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.