Malacañang nababahala sa planong ‘zero remittance’ ng Duterte OFWs
INAMIN ng Malacañang na may epekto kung matutuloy ang binabalak na “zero remittance week” ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ang balakin ay bahagi ng protesta kaugnay sa pag-aresto ng International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagkakakulong nito ngayon sa The Hague sa Netherlands.
Baka Bet Mo: Malacañang: Para sa mga Muslim lang ang Jan. 27 holiday
View this post on Instagram
Kayat umapila si Palace Press Officer Claire Castro sa mga grupo na maging mahinahon sa katuwiran na sumusunod lamang ang gobyerno sa batas.
“Of course, mas gugustuhin po natin na maging mahinahon ang bawat Filipino sa ganitong klaseng isyu. Sana po ay malaman din po nila na ang pamahalaan at ang gobyerno ay tumutupad lamang sa ating batas,” ani Castro.
Binanggit din niya na maraming Filipino na nabiktima ng kampanya kontra droga ng administrasyong-Duterte.
“Sana ay maging patas din po sila sa kanilang pananaw para po maibsan ang anumang puwedeng kahitnan ng kanilang gagawin,” dagdag pa ng opisyal.
Aniya lubos na maaapektuhan ng balakin ang pamilya ng nagpo-protestang OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.