Jojo Mendrez goodbye MarJo; true ba, Mark Herras nagbanta?

Jojo Mendrez goodbye na sa MarJo; true ba, Mark Herras may pagbabanta?

Ervin Santiago - March 26, 2025 - 11:26 AM

Jojo Mendrez goodbye na sa MarJo; true ba, Mark Herras may pagbabanta?

Mark Herras, Rainier Castillo at Jojo Mendez

NAGPALIWANAG ang Revival King na si Jojo Mendrez kung bakit pinalitan ni Rainier Castillo si Mark Herras bilang escort niya sa 38th PMPC Star Awards for Television last Sunday.

Inilantad ng Star Music artist at ng kanyang mga manager ang ilang issue sa kanila ni Mark kasabay ng paglilinaw sa biglang pag-alis ng actor-dancer sa nasabing awards night na ginanap sa Dolphy Theater.

Sobrang nasaktan at na-offend daw si Jojo nang umalis nang walang paalam si Mark sa naganap na Star Awards for TV kung saan kabilang sila sa mga magpe-present ng special awards.

Ang paalam ng actor-dancer ay magpupunta lang sa CR pero hindi na raw ito bumalik dahil may emergency daw na kailangan niyang puntahan. Pinakiusapan ng team ni Jojo ang organizer ng event na iurong ang gap nila sa program.

Agad nilang tinawagan si Rainier Castillo para saluhin ang iniwang commitment ni Mark, buti na lang daw at nasa area lang ito ng venue ng event kaya pumayag ang aktor kahit pa biglaan ang invitation.

Ang sentimyento ni Jojo, sa kabila raw ng mga ibinigay niyang suporta at tulong kay Mark ay nagawa pa nitong iwan siya sa ere. At ang masakit pa raw dito, hindi man lang siya sinabihan na aalis na sa event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa ipinatawag na emergency presscon ng kanyang talent management na Aqueous Entertainment, inamin ni Jojo na bayad ang talent fee ni Mark sa lahat ng ginawa nilang collaboration, kabilang na ang duet nila ng kantang “Somewhere in My Past.”

May honorarium din siya sa mga special appearance niya kapag may live show si Jojo para sa promo ng kanyang nasabing kanta at ng bago at very first original single niyang “Nandito Lang Ako.”

Kaya wala raw masasabi si Mark sa team ni Jojo dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito pagdating sa pag-aalaga at sa pinansiyal na aspeto. Ipinagdiinan din ng singer na wala talaga silang naging relasyon ni Mark na higit pa sa pagkakaibigan at pagiging partner professionally.

Sa katunayan, ang rebelasyon pa ng management ng Revival King, may utang pa ang aktor kay Jojo na aabot ng kulang-kulang P1 million.

Wala pa raw nababayaran ang aktor sa mga utang na ito na ginamit umano sa pagbabayad at pagpapagawa ng bahay nila ng asawang si Nicole Donesa. Pero sey ni Jojo, wala pa silang balak na legal action about this.

Nilinaw ni Jojo na hindi ito isyu ng pera, sa katunayan, nagpadala pa siya ng letter kay Mark upang magpasalamat at tapusin na ang kung anumang namamagitan sa kanila.

Ipinagdiinan pa niya na lahat ng ginawa niya kay Mark ay walang kapalit, pero siya na ang kusang lalayo para tuluyan nang buwagin ang MarJo at tapusin na ang chapter ng kanilang samahan at pagko-collab.

Pero ang nakababahala ay ang umano’y pagbabanta ni Mark na susunugin umano ang bahay ni Jojo kapag naetsapwera siya sa team ng Revival King. Nag-ugat daw ito sa pagseselos daw ni Mark kay Rainier.

Ayon sa Team Jojo, seryoso man o nagbibiro si Mark sa sinabi niyang iyon ay hindi pa rin maganda dahil itinuturing nila itong seryosong usapin, lalo pa’t mismong ang aktor ang nagsabi na may pagkakataong inaatake siya ng depression at anxiety.

Hindi raw natatakot si Jojo sakaling umalma at magdemanda si Mark dahil alam daw nila ang lahat ng katotohanan. Aniya, siya pa nga raw ang dapat magsampa ng kaso matapos ang lahat ng nangyari sa kanila.

Samantala, after tuldukan ang isyu sa kanila ni Mark, mas gusto nang mag-focus ni Jojo sa kanyang singing career at napakarami pa raw niyang gagawing projects sa Star Music PH.

Bukod sa “Nandito Lang Ako”, kasado na rin ang pagre-revive niya sa tatlong hit OPM hits na “I love You, Boy” ni Timmy Cruz, “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ni Michael Pangilinan, at “Tamis Ng Unang Halik” ni Tina Paner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan din daw kung sinu-sino ang mga kilalang OPM artists na makaka-collab niya sa kanyang next projects.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending