John Lloyd Cruz, Miles Ocampo umalis na sa talent agency nina Maja at Rambo

Miles Ocampo, John Lloyd Cruz at Maja Salvador
KINUMPIRMA ng actress-dancer na si Maja Salvador na wala na si John Lloyd Cruz sa pag-aari niyang talent agency na Crown Artist Management, Inc..
Maayos naman daw ang pag-alis ng hindi na aktibong aktor sa talent management na itinayo ni Maja at ng kanyang asawang si Rambo Nuñez.
Sa naganap na contract renewal ni Majs bilang celebrity ambassador ng Beautéderm Corporation na pag-aari ng matagumpay na lady boss na si Rei Anicoche-Tan, natanong nga siya tungkol kay Lloydie.
Ayon sa premyadong aktres, personal decision ni John Lloyd ang umalis na sa Crown Artist Management dahil hindi na nito kino-consider ang showbiz bilang kanyang bread and butter o main job.
“Si Lloydie po, nu’ng buntis ako, sabi niya, ‘Maj, hindi naman ako nagtratrabaho.’ So nag-separate ways kami with respect naman.
“Nade-decline rin po ‘yung mga magagandang projects kasi focused din siya kay Elias. Hindi rin naman siya active now din po,” paliwanag ni Maja.
View this post on Instagram
Namimili na lang ba ngayon ng tatanggapin na trabaho si Lloydie? “Hindi naman kasi active now din po so parang siya rin sabi niya, parang ‘di ba, which is tama naman.”
Bukod kay John Lloyd, hindi na rin daw bahagi ng talent agency nina Maja at Rambo ang actress-TV host na si Miles Ocampo. Wala namang detalyeng ibinigay si Maja tungkol kay Miles.
“Nu’ng nabuntis ako, thankful kami kay Ms. Vania (Edralin) kasi naging parte na siya ng pamilya ng Crown (Miles). Sobrang smooth at sobrang ganda ng mga nangyayari sa Crown.
“Masaya kami dahil may mga nagtitiwala sa management namin kahit kaka-start pa lang namin,” saad pa ni Maja tungkol sa Crown na kaka-celebrate pa lamang ng 4th anniversary.
Samantala naikuwento rin ng aktres na ang pagdating ng anak nila ni Rambo na si Maria ang mas nagpalalim at nagpatatag sa relasyon nilang mag-asawa.
“Yung relationship namin ni Rambo, eto yung napakasuwerte ko na binigyan ako ni Lord ng isang partner na talagang mahaba yung pasensiya, yung iintindihin kung ano yung mga gusto kong gawin.
“Yung ibibigay yung kailangan kong oras. Kunyari, gusto kong pumunta ng ganito. ‘Okay lang ba maiwan ko sa yo si Maria?’
“Yung mga ganu’n. Yung meron akong partner na nakakaintindi sa akin, yung kung may topak ako, kasi yung postpartum depression, hindi yata maiiwasan yun.
“Pero ano lang naman po yun, konti-konti lang. Yung pag gusto mo ng katahimikan, pero uuwi ka rin agad. Kahit malilimutin ako, ganyan. Yung talagang mag-asawa na kami, ganyan.
“Tapos yun, ano naman po siya, masaya siya para sa akin na alam niyang gusto kong bumalik na rin ng work,” pahayag ni Maja.
“Tapos, alam din niya na ibabalanse ko lang din dahil…yun yung sinasabi ko, yung iniintindi niya na ang dami kong gusto. Susuportahan lang niya.
“Gusto kong mag-work, pero gusto kong magpakananay. Parang lahat ng trip ko, sinusuportahan niya. Parang sige lang. Tapos, laging nandiyan lang siya sa likod ko,” sey pa ni Maja Salvador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.