Maja sa pagiging ina ni Maria: Kinumpleto niya ang pagkababae ko

Maja Salvador sa pagiging ina ni Maria: Kinumpleto niya ang pagkababae ko!

Ervin Santiago - March 27, 2025 - 09:23 AM

Maja Salvador sa pagiging ina ni Maria: Kinumpleto niya ang pagkababae ko!

Rambo Nuñez, Maja Salvador, Baby Maria at Rei Tan

“KINUMPLETO niya ang pagkababae ko!” Ito ang naging pahayag ni Maja Salvador tungkol sa katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ina.

Muling humarap ang award-winning actress-dancer sa members ng entertainment media makalipas ang matagal-tagal na panahon dahil mga nag-focus muna siya sa pagiging wifey and mommy.

Game na game at masayang sinagot ni Maja ang mga tanong ng press naganap sa contract renewal partnership niya sa Beautéderm Corporation na pag-aari ng super successful entrepreneur na si Ms. Rei Tan.

Kuwento ni Maja, mas naging makulay at exciting ang kanyang personal life dahil sa first baby nila ng mister niyang si Rambo Nuñez, na si Maria, na 10-month-old na ngayon.

Kinumpirma rin niya na inatake rin siya ng postpartum depression pero in fairness, hindi naman daw siya pinahirapan ni Maria sa kanyang  pagbubuntis.

“Ang laking parte ni Maria sa kung sino ako ngayon kasi kinumpleto niya ‘yung pagkababae ko. Siya ‘yung kumumpleto sa pangarap ko.

“Laging si Maria. Bawat trabaho, ‘yung dressing room ko, kailangang may mas malaking space nang konti kasi bitbit ko si Maria,” pahayag ni Maja.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Orange Magazine (@orangemagtv)


“Nu’ng dumating si Maria, sabi ko ‘parang ‘di muna ako magtratrabaho. Kaya ko naman, eh.

“Parang ‘yung ang tagal mong pinangarap, pangarap ko talaga, so ‘yung priorities mo sa life, parang lahat, lahat ng desisyon mo, lahat ng decision making mo, parang kahit ‘di pa sumasagot si Maria, titingnan mo lang siya, siya ‘yung makakasagot,” sey pa ng first-time mom.

Patuloy pa niya, “Kaya nu’ng may inquiries na po tayo, if kelan ako pwedeng mag-work na ulit, ganyan, kunwari paggawa ng movies, at saka mga TV series, sabi ko ‘antayin ko lang mag-one year old ‘yung anak ko’ kasi syempre ang tagal kong pinangarap tapos hindi ko, ‘di ba, makikita ‘yung mga milestones niya.

“So ‘yun sabi ko miss ko nang mag-work pero pinangarap kong maging mommy at binigay sa akin ngayon ‘to kaya ayun, hindi ako nagmamadali,” dagdag chika pa ni Maja.

Nakaranas na rin daw siya ng tinatawag na “mom guilt” lalo na nu’ng naghahanda siya sa pagbabalik sa “ASAP.”

“Bilang first time mom, mag-six months siya nu’ng first appearance ko sa ‘ASAP.’ Medyo may hesitation akong gawin ‘yun kasi feel na feel ko talaga maging mom. Na-miss ko rin magsayaw.

“Nagsabi rin ako kay Rambo. Almost two weeks akong nag-prepare, at six hours ko siyang iniiwan, at talagang super guilty ako. Totoo pala talaga ‘yun (mom guilt),” sey pa ni Maja.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Nu’ng nagkaroon na ako ng Maria, ang taas na nang tingin ko sa nanay ko. Dati pa lang, saludung-saludo na ako kasi single mom siya, pero nung nagkaroon ako ng Maria at na-experience ‘yung maging mommy, mas lalo akong tumingala sa kanya.”

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Maja kay Rei Tan dahil kahit daw nanay na siya ay ni-renew pa rin nito ang kanyang kontrata sa Beautéderm.

Sey ni Majs, hindi lang siya basta ambassador ng beauty kingdom ni Ms. Rei, kundi parang tunay na pamilya na ang turing nila sa isa’t isa. Ninang din siya nina Maja at Rambo sa kasal.

“Maja’s pure heart is my favorite thing about her. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry.

“Outside of work, we discuss her daughter, her family, and everything. I know how nice she is, therefore she deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wish to start a family,” ang pahayag ni Ms. Rei about Maja, ang face ng BlancPro beauty products.

Super appreciated din daw ni Ms. Rei ang pagiging active ni Maja sa pagpo-post ng kanilang mga ganap sa Beautéderm sa loob ng apat na taon.

Mensahe pa ng lady boss, “This celebration is especially meaningful to me because I believe in women’s power, kindness, ge­nerosity, and entrepreneurial skills. You all know how I founded Beautéderm 15 years ago, and we’re still going strong.

“All of these things have shaped me into the woman I am today, thanks to the support of other women such as my mother, sister, daughter, female employees, and female endorsers such as Maja Salvador.

“We have accomplished a lot in recent years and will continue to do so with your help and the continued patronage of our products, especially the Blanc Set, which improves skin glow.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you ask me, true woman’s glow comes from generosity and kindness. While we strive to be the most appealing, we must never lose sight of our inner beauty. Beauty fades, but the way you make others feel never does,” ang bahagi pa ng speech ni Ms. Rei.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending