Maja takot i-face reveal ang anak; Rei Tan todo-suporta as ninang

Maja takot i-face reveal ang anak; Rei Tan todo-suporta bilang ninang

Ervin Santiago - March 28, 2025 - 09:26 AM

Maja takot i-face reveal ang anak; Rei Tan todo-suporta bilang ninang

Maja Salvador, Rambo Nuñez, Baby Maria at Rei Tan

CHOICE at desisyon talaga ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez na huwag munang magpa-face reveal sa anak nilang si Maria.

Inamin ni Maja na natatakot siyang baka magamit ang kanilang baby ng mga taong walang magawa, lalo na ng mga scammer at sindikato sa social media.

Base sa mga litratong ipino-post nina Maja at Rambo sa kani-kanilang socmed accounts, ang madalas nilang ipakita ay ang paa, hita o mga naka-side at nakatalikod na photos ni Maria.

Sa presscon ng Beautéderm Corporation nitong nagdaang Miyerkules, March 26, kung saan muling pumirma si Maja ng kontrata bilang ambassador ng BlancPro, natanong nga siya hinggil sa kanyang first baby.

“Hindi ko po masagot kung kailan ko siya ipe-face reveal. Kung kailan ko siya ipapakita sa public. Siguro ibigay niyo muna sa akin.

“Ang hirap kasi ngayon, lalo na yung AI, natatakot ako na gamitin, in the future. Kasi, kahit ako, hindi natin alam, ginagamit na ang picture. May mga videos sila na ipinapadala somewhere, ang dami, ‘di ba?” pahayag ng aktres at dancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Pero se ni Majs, “We’re very thankful sa mga nagtitiwala at gusto pa rin siyang maging endorser kahit na pata-pata lang ang ipinapakita or likod ng ulo lang niya.”

Nagpapasalamat din siya sa mga tao na nakakakita kay Maria na hindi nagpo-post ng kanilang mga litrato kapag nakikita sila sa mga pampublikong lugar.

“Pero parang may respeto na alam nila na hindi namin pino-post or may biglang mag-picture, nandiyan ang mga kasamahan namin na makikiusap na ‘wag po muna nating i-post, ha? So, nirerespeto naman nila,” sey ni Maja.

Paliwanag naman ng aktres sa desisyon nila ni Rambo na huwag munang ipakita ang mukha ng anak sa social media, “Alam niyo po, nag-umpisa po kasi ‘yan, marami tayong kaibigan sa industriya na may anak.

“Tapos yung mga inosenteng bata, pino-post dahil siyempre, anak, proud. Pero, may mga perfect na tao na kung maka-bash ay wagas.

“Alam niyo po yun, bilang isang tao, bilang isang ina, ayoko. Alam niyo naman ako, hindi ako patolera. Pero feeling ko, may lalabas na ibang tao.

“I-post ko ang anak ko, tapos may perfect na tao na magco-comment sa anak ko, yun ang iniiwasan ko. Mga inosenteng bata, tapos, iba-bash. ‘Wag na lang. Hindi ko isi-share sa inyo, tapos, iba-bash,” esplika pa niya.

Samantala, sumang-ayon naman ang CEO at President ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, sa naging desisyon nina Maja at Rambo na isa sa mga ninang ni Maria.

Kuwento ni Ms. Rei, isa siya sa mga unang pinadalhan ni Maria nang mga pictures ng bata noong nasa Canada pa ang aktres kasama ang kanyang pamilya. At naiintindihan daw niya kung bakit ganu’n ka-protective si Majs kay Maria dahil isa rin siyang ina.

Sey naman ni Maja, isa si Ms. Rei sa mga taong nakakausap at nakakapag-boost ng kanyang morale niya, lalo na noong magkaroon siya ng postpartum depression.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya nang sabihin sa kanya ni Ms. Rei na muli siyang pipirma ng kontrata bilang isa sa mga A-list celebrity ambassador ng Beautéderm, partikular na para sa BlancPro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending