Maja suportado si Kiko sa pagka-senador: Walang bahid ng katiwalian!

PHOTO: Instagram/@florenz_hair
BILANG malapit na ang 2025 midterm elections, ibinandera na ni Maja Salvador kung sino ang isa sa nais niyang manalo sa pagka-senador.
Siya’y walang iba kundi ang asawa ni Megastar Sharon Cuneta na si Kiko Pangilinan!
Ang pag-endorso ni Maja ay ipinost niya mismo sa kanyang Instagram page.
“Sa 25 years ni Kuya Kiko Pangilinan sa public service, ni minsan di nasangkot si Kuya Kiko sa anumang korapsyon o kalokohan, tapat at totoong naglingkod-bayan,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Maja Salvador binatikos matapos mag-endorse ng partylist
Ibinunyag din ng celebrity mom na matagal na siyang supporter ng dating senador.
“Walang bahid ng katiwalian. Kaya mula pa 2007 sinuportahan ko na po siya. At hanggang ngayon sinusuportahan ko pa rin po si Kuya,” paliwanag niya.
View this post on Instagram
Ang endorsement ni Maja ay matapos siyang mabalitang nagkaroon ng appearance sa isa sa campaign rallies ng Solid North party list.
Bukod kay Maja, ang mga celebrities na sumusuporta sa senatorial bid ni Kiko ay sina Pia Magalona, ang beauty queen na si Aya Fernandez, batikang aktres na si Pinky Amador, TV host-comedian na si Vice Ganda, at showbiz vlogger na si Ogie Diaz.
Samantala, si Maja ay pumirma kamakailan lang sa MQuest Ventures at kasabay niyan ay ang pasilip sa upcoming projects niya for this year 2025.
Ang 36-year-old actress ay nakatakdang magbalik telebisyon sa pamamagitan ng upcoming revenge drama na “Athena.”
Bukod diyan ay may hosting gigs din siya, kabilang na ang upcoming fifth season ng game show na “Emojination” at bagong dance competition na “Isayaw Mo.”
Kung matatandaan, nagpahinga muna sa showbiz si Maja matapos isilang si Maria, ang first baby nila ng non-showbiz husband na si Rambo Nuñez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.