Maja Salvador binatikos matapos mag-endorse ng partylist
TILA dismayado ang mga netizens matapos makita ang isang partylist na personal na inendorso ng aktres na si Maja Salvador.
Nitong Martes ng gabi, March 4, ibinandera ng aktres ang larawan niya sa kanyang social media accounts habang suot ang t-shirt na may nakalagay na isang partylist.
“Maja Salvador po, LEGIT NGA TAGA-NORTE, isu nga ti suportarak 104 SOLID NORTH! para iti TURISMO, TRABAHO, ken PROGRESO. Agkakadwa tayo a mangipangabak ti Solid North!” saad ni Maja sa caption ng kanyang post.
Agad ngang umani ng komento at nag-viral ang naturang larawan ng celebrity mom dahil sa mga netizens na hindi makapaniwala sa kanilang nakita.
Baka Bet Mo: Danica Sotto ‘excited’ maging parte ng talent agency ni Maja Salvador
View this post on Instagram
Ngunit may ilan naman tila binardagol na lang ang ginawang pang-eendorso ni Maja sa naturang partylist.
“patay na si Ivy Aguas, pero si Lily Cruz buhay na buhay. Sya ang tunay na Lily Cruz. Pink is out Red is in. Just like red, She is indestructible.
– maghihigante yan, sympre kakampi munq yan sa kalaban, wait nyo lang gang dulo,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Love you Maja pero #Neveragain sa taga North.”
“Jusko. Si Ivy Aguas nga, pinabagsak ang mga Ardiente sa pamamagitan ng pakikipag alyado nito. Manahimik kayo jan. Wag niyong isabutahe ang mga plano ni Lily Cruz,” hirit naman ng isa.
“Ininsulto mo si Lily Cruz. Binalewala mo lahat ng sakripisyo ni Ivy Aguas. Balakajan,” dagdag pa ng isang netizen.
Sa kabila ng mga komentong natatanggap ay wala pa namang pahayag si Maja hinggil sa isyu.
Para sa mga hindi aware, noong 2022 national elections ay in-endorse ng aktres si former Vice President Leni Robredo na tumatakbo noon sa pagkapresidente.
Kaya naman may ilan na nadismaya dahil sa “pagbabago ng isip” umano ni Maja.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng aktres tungkol sa mga komento sa kanya ng mga netizens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.