Sharon ginawang advocacy ang 'pagsa-Sharon' sa handaan

Sharon binigyan ng mas makabuluhang meaning ang pagsa-Sharon sa handaan

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 07:08 AM
Sharon binigyan ng mas makabuluhang meaning ang pagsa-Sharon sa handaan

BINIGYAN ni Megastar Sharon Cuneta ng mas malalim at makabuluhang kahulugan ang viral “pagsa-Sharon” moments ng mga Pinoy sa mga mahahalagang okasyon at handaan.

Isa sa mga bagong adbokasiya ngayon ng movie at TV icon ang kampanya na nagsusulong sa mura ngunit masustansiyang pagkain na maaaring ihain ng mga Filipino sa kanilang hapag-kainan.

Sa guesting ng Megastar sa vlog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, alam daw niya ang mga hirap at sakripisyo ng mga kababayan nating magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“They work the hardest, they earn the littlest. Yung buhay ng mga magsasaka talagang they really depend doon sa climate, sa weather. Kapag binagyo patay lahat ng pinaghirapan,” aniya.

“Tsaka masakit di ba, ‘yung nalaman natin na yung average age ng farmers ay 57, tapos yung mga anak nila, apo nila, ayaw na mag-farming,” dugtong ni Ate Shawie.

Sa loob ng ilang dekada, masasabing nananatili pa ring reyna sa pelikula at concert stage si Mega. Naging bahagi na ng kultura ng mga Pinoy ang kanyang mga pelikula, kanta, pati na rin ang kanyang nagawang teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)


Mula sa pagganap bilang isang Pilipinang resilient sa araw-araw hanggang sa pagiging tinig ng mga tao, si Sharon ay nag-iwan ng malalim na impluwensya sa bawat buhay ng mga Pilipino, on-screen man o sa totoong buhay.

Sa ngayon, may bago na namang misyon si Sharon kasama ang kanyang asawang si dating Sen. Kiko Pangilinan, kung saan magkasama nilang isusulong ang karapatan ng bawat pamilyang Pilipino sa abot-kaya at masustansyang pagkain.

Ang bago nilang TV commercial na “Pag may Kiko, may Sharon” ay mukhang magaan sa umpisa, ngunit sa likod ng catchy slogan ay may solido at seryosong mensahe.

Ang mga pelikula ni Sharon ay laging nakasentro tungkol sa pamilya at pagtatagumpay sa kabila ng mga pagsubok, habang ang mga polisiya ni Kiko ay nakatuon sa pag-secure ng abot-kayang pagkain at patas na oportunidad para sa mga magsasaka.

Ang iconic “baon” scenes ni Sharon ay magandang metapora para sa misyon ng mag-asawa — ang isa ay nagbibigay-init, at ang isa naman ay nagdadala ng konkretong solusyon. Perpektong pagtutugma: ang isa ay nagdadala ng puso, ang isa ay nagdadala ng aksyon.

Sa isang partikular na eksena, pumasok si Sharon sa isang party, at nang makita niya ang paunti-unting pagliit ng food portions, napagtanto niya na pati ang mga natirang pagkain na karaniwang dala niya pauwi ay luxury na.

Nakakatawa, yes, pero ito rin ay malinaw na repleksyon ng pagtaas ng presyo ng pagkain at implasyong kinakaharap ng maraming Pilipino at dito na nga papasok si Kiko.

Ang pinakabagong kampanya na ito, na may perfect blend ng katatawanan at puso, ay sumasagot sa malaking isyu ng implasyon at ang mga epekto nito. Bakit sa mga ordinaryong Pilipino ay spaghetti o pansit lang ang karaniwang handa sa mga kaarawan?

Bakit nakatitikim lamang ng ham isang beses sa isang taon? Bakit ang ating mga magsasaka ay nagtatrabaho ng husto ngunit hindi pa rin sapat para mapakain ang kanilang sariling pamilya?

Si Sharon ay laging lumalaban para sa kanyang pinaniniwalaan — tulad ng kanyang pakikipaglaban kay Kiko noong 2022 eleksyon, sa gitna ng pighati at mga pagsubok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tulad sa lahat ng kuwento ni Sharon Cuneta, laging may pagbabalik, at ang kasalukuyang ito ay para sa kinabukasan ng pamilyang Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending