Sharon Cuneta inatake ng matinding sakit sa sikmura: Duwal ako nang duwal!

Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta at KC Concepcion
SA kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas ang Megastar na si Sharon Cuneta ng isang sakit na hindi raw talaga niya maipaliwanag.
Ito ang rason kung bakit hindi siya nakadalo sa pangangampanya ng kanyang asawang si dating Sen. Kiko Pangilinan sa Bulacan.
Nag-post si Sharon sa Facebook ng mahabang paliwanag tungkol sa dinanas na “karamdaman” na nakasira rin sa pagba-bonding nila ng anak na si KC Concepcion para sa birthday nito.
“I am so sorry po sa lahat ng dumalo sa rally ni Kiko sa Bulacan kahapon dahil hindi po ako nakapunta when talaga pong reading-ready na po sana kami.
“Ang totoo po, nagkasakit po ako ng di ko pa po dinanas sa buong buhay ko. April 7 po sosorpresahin ko si KC sa paborito naming resort para sa birthday niya,” simulang pagbabahagi ni Mega.
Patuloy pa niya, “Bago po ako umalis, di ko po alam bakit bigla pong humilab ng grabe ang sikmura ko at duwal po ako ng duwal.
“Kahit po ganon lumipad pa rin ako para makasama ang anak ko ng isang gabi man lang dahil nakaschedule nga po kami sa Bulacan the next day.
View this post on Instagram
“Pagdating ko po kay KC masaya kami tapos nagulat ako duwal na naman po. Kaya di na po ako nakakain sa birthday dinner nya kundi nakahiga na lang po ako sa room naming dalawa. Tuloy pa rin po ang duwal,” aniya pa.
Kinabukasan ng umaga ay lumipad na raw sila pauwi ng Manila, pero sa eroplano pa lang ay umatake na naman ang pagsakit ng sikmura ni Sharon.
“Paguwing paguwi ko derecho na naman sa banyo. Nagpareserve na kami ng room sa St. Luke’s pero nagpakuha na po ako ng dugo sa bahay at hinintay ko ang results.
“Nakapagtataka naman po at salamat sa Diyos normal lahat. Pero nilunod na po ako ng pocari sweat at Erceflora. Di pa po ako bumabangon ng matagal since yesterday na pinahiga at pinarest na po ako.
“Di na po ako pinapunta sa hospital para mag-suero dahil nga po pinaiinom na ako. Di pa po ako nagduduwal mula noong humiga ako kahapon. Pero natatakot po ako tumayo ng matagal dahil du’n po ako biglang inaatake ng hilo,” lahad ni Ate Shawie.
“Lugaw at saging lang po ang kinakain ko mula kahapon at ngayong umaga. Please pray for me. But I don’t want you to worry dahil mukhang dehydrated lang po ako at sobra po akong stressed this whole past week kaya nagkaganito.
“Ineexplain ko lang po dahil hiyang-hiya po ako sa inyong nagpuntang Bulacan kahapon.
“Siempre nag-alala si Kiko pag-uwi ko at nalaman niya. Sabi nya mas importante naman po ang health ko. Pero pasensiya na po talaga.
“Hindi na po sana ako nagkwento at nagpaliwanag kundi po ako sorring-sorry. Maraming salamat po. Love you all!” ang buong mensahe ni Sharon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.