Sharon sumailalim sa surgery, tinanggal mga 'chismis' sa 2 braso

Sharon sumailalim sa surgery, tinanggal mga ‘chismis’ sa 2 braso

Pauline del Rosario - March 23, 2025 - 10:55 AM

Sharon sumailalim sa surgery, tinanggal mga 'chismis' sa 2 braso

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

WALANG pakialam sa bashers, matapang na ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang malaking peklat sa magkabilang braso.

Ayon sa kanya, nakuha niya ito matapos ang isang surgery na tinanggal ang kanyang excess skin na dulot ng kanyang pagpapapayat.

Ibinihagi niya sa isang Instagram post na kasalukuyan siyang sumasailalim sa ilang treatments upang mag-improve ang itsura ng kanyang peklat.

Kung maaalala last year, ibinunyag ng Megastar na nagpa-cosmetic surgery siya dahil sa mga nakalaylay niyang balat matapos mabawasan ng 100 pounds ang kanyang timbang.

Baka Bet Mo: Vico Sotto sumailalim sa ‘platelet-rich plasma’ procedure: 33 pa lang ako, pero pang-senior citizen na ‘tong tuhod ko

Kamakailan lang, bumisita si Sharon sa clinic ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo at doon ipinakita ang malalaking chismis ni Sharon sa katawan.

“That’s the one, my surgery—when we removed skin,” sey ng batikang singer, habang hawak ng doktora ang kanyang braso at tinuturo ang mahabang peklat sa kanyang braso.

Sambit pa ni Sharon, “Imagine ang laki ng excess skin d’yan na tinanggal.”

“This is what I’m saying—the scars. Sana we have treatment,” ani pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aivee Aguilar Teo (@draivee)

Para sa mga hindi aware, ito na ang ika-siyam na taon ni Sharon sa kanyang weight loss journey.

Bukod sa excess skin, nabanggit din ng singer na pinabawasan niya rin ang kanyang dibdib.

“Because I lost so much weight, naturally, mas sagging ‘yung skin,” saad niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paliwanag ni Sharon, “Ang payat-payat ko na, ang laki pa ng balat. So, ipinatanggal lang ‘yung extra skin, ‘yun lang.”

“And I don’t want to hide it. There’s no reason to, hindi naman nakakahiya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending