Andrea ‘di ikinahiya na ‘nagpasipsip’ ng braso, pinuri ni Cristy Fermin
NAKAKABILIB talaga ang katapangan at paging honest ng Kapamilya actress at social media influencer na si Andrea Brillantes.
Tulad na lang ng diretsahan niyang pag-amin na sumailalim siya sa isang klase ng cosmetic enhancement kamakailan – as in super proud pa niya itong ibinandera sa buong universe.
Ayon sa lead star ng Kapamilya suspense-drama series na “High Street”, totoo ang chika na nagpa-liposuction siya dahil sa paglaylay daw ng kanyang mga braso.
Baka Bet Mo: Brenda Mage ipina-tattoo ang logo ng ABS-CBN sa braso: ‘Ito ang network na tumupad sa mga pangarap ko’
At dahil diyan kaya naman puring-puri siya ng veteran entertainment columnist at online host na si Nanay Cristy Fermin dahil isa nga raw si Andrea sa ilang celebrities na bet na bet niya ang pagiging totoo.
View this post on Instagram
Sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute”, nagsalita ang beteranang TV and radio host about Andrea at saludo nga raw siya sa pagiging tapat ng aktres.
“Napakadiretsong bata. ‘Ang payat-payat mo na. Ang sexy-sexy mo, Blythe. Ano bang lihim?’ ‘Alam n’yo po’, sinabi niya, ‘Nagpa-liposuction po ako ng lumaylay kong braso,” ayon kay Nanay Cristy.
Baka Bet Mo: Rico Blanco nabahala sa takbo ng relasyon nila ni Maris: Sabi ko, ‘Hala, hindi pa tayo nag-aaway!’
“Bakit niya ikahihiya? E, nagpa-lipo nga naman siya. Bakit hindi? Kung makakaganda naman e puhunan nila beauty saka talent,” sabi pa ng beterana at premyadong host.
Komento naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Kapag may gusto talaga siya ginagawa niya. Hindi siya nahihiya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta napagbigyan niya ang sarili niya, okay ‘yun.”
Pinuri rin nang bonggang-bongga si Andrea ng mga manonood at tagapakinig ng programa nina Nanay Cristy dahil sa pagpapakatotoo nito kaya plus ganda points na naman ito para sa dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.