Brenda Mage ipina-tattoo ang logo ng ABS-CBN sa braso: 'Ito ang network na tumupad sa mga pangarap ko' | Bandera

Brenda Mage ipina-tattoo ang logo ng ABS-CBN sa braso: ‘Ito ang network na tumupad sa mga pangarap ko’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 07:22 AM

Brenda Mage ipina-tattoo ang logo ng ABS-CBN sa braso: 'Ito ang network na tumupad sa mga pangarap ko'

Brenda Mage

UPANG ipakita at ibandera sa madlang pipol ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN, nagdesisyon ang komedyanteng si Brenda Mage na magpa-tattoo.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate ang ipina-tattoo niyang logo ng ABS-CBN.

Aniya, ito ang magpapatunay ng pagmamahal niya sa Kapamilya Network at kung gaano siya ka-grateful sa lahat ng ipinagkatiwalang proyekto sa kanya sa loob ng ilang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Kalakip ng litrato ng kanyang tattoo na makikita sa kanyang braso at ipinost sa kanyang FB page, ang paliwanag kung bakit niya ito ginawa.

“Anu daw meron sa tattoo ko? Wala naman… simple lang… kung anung meron ako nito lahat ng meron ako sa buhay ito ay dahil sa ABS-CBN.

“Dahil ito ang network na ‘to ang dahilan ng pangarap ko maging artista.. at ito din ang tumupad ng pangarap ko…..at dahil natupad ang pangarap ko na maging celebrity,” ang bahagi ng FB post ni Brenda.

Baka Bet Mo: JM ipina-tattoo ang initials ni Crisha Uy sa braso; may relasyon na nga ba?

Dugtong pa niya, “Narating ko rin ang kung anung meron ako ngayon at natupad ko rin pangarap ng pamilya ko.

“Kaya I’m grateful na naging part ako ng network na ‘to. Thank you, ABS-CBN. Forever Kapamilya,” ang sey pa ng komedyante.

Kamakailan, ibinandera naman ni Brenda sa buong universe ang nabili niyang farm na tinawag niyang Hinaguan. Nagpatayo rin siya ng bonggang bahay kubo roon na siya niyang tinitirhan ngayon.

* * *

Walong iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang pagbibidahan ng ilan sa mga bituin ng ABS-CBN na sina Kaila Estrada, Chie Filomeno, Kim Rodriguez, Joao Constancia, Anji Salvacion, Angela Ken, at marami pang iba sa ikalawang season ng “Love Bites” ng ABS-CBN Entertainment na magsisimula ngayong April 28 (Biyernes).

Ngayong tag-init, ipapakita ng programa ang kagandahan ng Oriental Mindoro at tatalakayin ang iba’t ibang tema ng pag-ibig tulad ng young love, second chances, closure, at iba pa.

Sa unang episode, magtatambal sina Kim Rodriguez at Ian Pangilinan sa isang kwento tungkol sa babaeng si Kath na bibili ng wedding dress kahit pa wala itong nobyo o mapapangasawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)


Matapos ang kanyang pagbili, makikilala niya ang pastor na si Eman. Senyales ba ang wedding dress ng posibleng pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang buhay o isa lamang itong walang kwentang pagbili?

Bukod sa episode na “Wedding Dress,” panoorin din ang mga storyang pagbibidahan nina Aya Fernandez at Iana Bernardez (Stand In Love), Angela at LA Santos (Boy Next Door), Kaila, Joao, at Chie (Closure), at Daniela Stranner at Batit Espirtu (Summer Camp).

Abangan din sina Jay Gonzaga at Enzo Almario sa “Boy Meets Man, Anji, Janna Agoncillo, Elyson de Dios, at Marc Santiago sa “Wedding Booth,” at Mary Joy Apostol at Jomari Angeles sa “Honest Love.”

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives, ang grupo sa likod ng “MMK,” “Killer Bride,” “A Soldier’s Heart,” at “Viral Scandal” at direksyon nina Kevin Alambra at Raz dela Torre.

Panoorin ang fresh episodes ng Made For YouTube offering na “LoveBites,” tuwing 6 p.m. sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Kiray Celis kinilig sa bagong tattoo ng dyowa: Mahal na mahal na, patay na patay pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending