JM ipina-tattoo ang initials ni Crisha Uy sa braso; may relasyon na nga ba? Bandera

JM ipina-tattoo ang initials ni Crisha Uy sa braso; may relasyon na nga ba?

Therese Arceo |July 21,2021
share this

JM ipina-tattoo ang initials ni Crisha Uy sa braso; may relasyon na nga ba?

Therese Arceo July 21,2021 - 06:04 PM

MATAPOS maituro bilang third party umano sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, tila wala namang keber at masaya si JM de Guzman ngayon sa kanyang buhay.

Isang video kasi ang nag-trending kung saan kasama niya ang vlogger at dating girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy.

Sa video na ipinost mismo ni Crisha, makikitang tinatanong niya ang aktor ng, “Miss mo? Miss mo? Miss mo?”

Sagot naman ng aktor, “Alin?”

“Ako,” ang pang-aasar na sagot naman ng dalaga.

Ngunit hindi nalaman ng madlang pipol ang kasagutan dahil tila na-cut ang video at nagtapos lang ito sa paglapit ng aktor sa dalaga.

Maraming netizens ang nabitin ang kilig dahil hindi nila nakita kung ano ang ginawa ng aktor o kung may isinagot ba ito sa tanong ni Crisha

“OMG!!! Feeling ko sila hahahahahhaa yung sa last part kiniss ni JM for sure,” comment ng isang Instagram user.

Giit pa ng ilan, mukhang may relasyon na nga ang dalawa dahil sa ipina-tattoo na raw ng aktor ang pangalan ng dalaga.

Sa kanang braso kasi ni JM ay makikita ang tattoo na “CU” na saktong-sakto sa initials ng dalaga.

Unang namataang magkasama ang dalawa nang lumabas ang aktor sa vlog ni Crisha kung saan kasama niya ito sa training para sa self-defense.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending