Marco Adobas nag-sorry matapos ang 'cooking show' post

Marco Adobas nag-sorry matapos ang ‘cooking show’ post: ‘Nadala ng aking emosyon’

Reggee Bonoan - March 28, 2025 - 08:35 AM

Marco Adobas nag-sorry matapos ang 'cooking show' post: 'Nadala ng aking emosyon'

PHOTO: Facebook/Marco Adobas

NAG-POST na si Marco Adobas, ang disqualified contestant ng “Tawag ng Tanghalan,” dahil sa malisyosong post niya sa kanyang Facebook account nitong March 26 ng update tungkol sa isyu niya sa “It’s Showtime.”

Base sa update post niya noong March 27, “Sa mga wala pong alam sa nangyari. May pag-uusap na po sa pagitan ng management ng Showtime. At ako po ay humingi ng kapatawaran sa aking nagawa at okay na po ang lahat.”

Paliwanag pa niya, “Ako po ay nadala ng bugso ng aking emosyon. Kaya sana po ay maunawaan niyo na.”

Nag-trending ang post na ito ni Marco at base sa mga nabasa naming komento na umabot sa 1,500, 45 shares at 1,300 engagements ay may mga hindi naniwala at may mga nagsabing baka takot siyang makasuhan.

Baka Bet Mo: TNT Grand Resbak contestant tsinugi, posibleng sampahan ng kaso

Matatandaang pinost ni Marco ng Pangkat Alon nitong March 26 na “luto” ang pagkapanalo ni Mark Rudio ng Pangkat Agimat laban sa ka-pangkat ng una na si Ayegee Paredes.

Nagtaka si Marco sa pagkatalo ng ka-pangkat niyang si Ayegee gayung binigyan ito ng standing ovation ng mga huradong sina Pops Fernandez at Dingdong Avanzado sa ganda ng version nito sa awiting “Superwoman” ni Karyn Whiteman, samantalang si Mark ay hindi naman nakatikim ng standing ovation sa awitin niyang “Yugto” ni Rico Blanco.

Napanood namin ang episode at ang reaksyon ng pinuno ng hurado na si Louie Ocampo ay nakangiti siya habang kumakanta si Mark, samantalang sobra naman niyang pinakikingan sa kanyang earphone habang nakapikit ang boses ni Ayegee.

Sa panayam nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro ay inamin ni Ayegee na kinabahan siya kay Mark kaya nang inanunsyo na panalo nga ang pangkat Agimat ay dito na nag-post si Marco bilang pagtatanggol sa kanyang ka-pangkat.

“Grabeng cooking show mga boss! Kala ko pagalingan kumanta ung laban pasarapan pala ng luto,” post ni Marco sa kanyang Facebook account.

May nagkomento sa post ni Marco ng, “Standing ovation tapos naligwak, sad for ate Ayegee (emoji sad face).”

Sinagot naman ito ni Marco ng, “Sinabi mo pa.  Di nila alam na pinaghirapan namin ung competition, puyat, pagod, oras, lalamunan effort tapos gano’n lang. Di nila alam si Ayegee umuwi pa dito ng Pinas para sa competition tapos gano’n lang nangyari.”

At dahil sa malisyosong post na ito ni Marco ay disqualified siya sa TNT base sa anunsyo ni Jhong ay ipinaalala na may pinirmahang kasunduan o waiver bago magsimula ang kumpetisyon.

Nabanggit din ni Vhong na lumabag si Marco sa mga alituntunin na nakasaad sa pinirmahang kasunduan dahilang para tanggalin sa kumpetisyon at posibleng makasuhan pa dahil sa paratang niya sa programa.

Samantala, ang paalala naman ni Vice sa lahat ay mag-iingat sa mga pino-post nilang opinyon dahil possible itong ikapahamak.

Aniya, “Okay everyone, be very careful. Maari tayong magbigay ng ating mga opinyon pero siguraduhin na ang ating mga opinyon ay hindi makakapagpahamak ng ibang tao o ng anumang grupo o lalong hindi magpapahamak sa sarili ninyo. Lalung-lalo na sa mga mauy pinirmahang kasunduan, please be mindful kung ano ang mga pinipirmahan ninyo para alam ninyo rin kung paano ninyo dadalhin ang inyong mga sarili.”

Sabi pa ni Vice na ang pagkakatanggal ni Marco ay papalitan siya para maging kumpleto pa rin ang pangkat Alon na kinabibilangan niya.

Ang natibag na pangkat Amihan galing ang kapalit na si Arvery Lagoring at sobrang saya ng pangkat Alon na nagtatalon pa ang lahat.

Biro ni Vice, “Parang mas happy kayo na may natanggal at napalitan. Haping-happy ang pangkat Alon.”

At bago magtapos ang programa ay muling nagpaalala si Vice, “Gusto naming paalalahanan ang lahat, maari tayong magkaroon ng iba’t ibang opinyon sa mga pangyayari sa mga bawat bagay at karapatan nating magkaroon ng mga opinyon pero dapat lang rin na maisip natin na ang ating mga karapatan ay hindi makakatapak sa karapatan din ng iba. ”

“Maari kang magbigay ng opinyon, iba ang opinyon at iba ang akusasyon. Hindi lang sa mga kasali rito kundi para sa lahat, ang lahat ay binibigyan namin ng paalala,” patuloy ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Maging mapanuri sa mga inilalagay o ipino-post sa social media dahil anuman ang inilalagay ninyo diyan ay maaring ikapahamak ng iba at maaring ikapahamak mo at pagsisihan mo, ‘yun po ang paalala namin sa lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending