TNT Grand Resbak contestant tsugi, posibleng sampahan ng kaso

TNT Grand Resbak contestant tsinugi, posibleng sampahan ng kaso

Ervin Santiago - March 27, 2025 - 09:22 PM
Contestant sa TNT Grand Resbak tsinugi dahil sa 'cooking show' post

TSINUGI ang isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” (TNT) All-Star Grand Resbak 2025 matapos umano itong lumabag sa pinirmahang kasunduan bago pa magsimula ang kumpetisyon.

Sa official Facebook page ng”It’s Showtime” na napapanood sa ABS-CBN at GMA 7, opisyal nang tinanggal sa latest edition ng “TNT” si Marco Adobas mula sa Pangkat Alon.

“Ang mga kalahok sa #TawagNgTanghalan ay may pinirmahang kasunduan o waiver bago magsimula ang kumpetisyon.

“Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng #PangkatAlon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para sa siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon,” ang mababasa sa FB account ng “It’s Showtime.”

“At dahil sa mga mabigat na paratang na inilahatla niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa, ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso,” ang nakasaad pa sa official statement.

Kasunod nito, pinalitan si Marco ng isa pang contestant ng “TNT” na si Arvery Lagoring.


“Dahil din sa pangyayaring ito ay napagdesisyunan ng programa na siya ay palitan upang manatiling kumpleto ang bilang ng mga miyembro ng pangkat na kanyang kinabibilangan.

“At ang piniling kapalit ay manggagaling sa natibag na pangkat, ang #PangkatAmihan at yun ay walang iba kundi si Arvery Lagoring,” ang pahayag pa ng “It’s Showtime” management.

Sa live episode ng programa ngayong araw, binasa uli nina Vhong Navarro, Jhong Hilario at Vice Ganda ang opisyal ba pahayag ng kanilang programa.

Base sa comments ng mga netizen, nag-ugat ang pagkakatanggal kay Marco dahil sa umano’y malisyosong mga posts nito sa naganap na showdown kahapon na tinawag nitong “cooking show.”

Ang nagharap sa “TNT Grand Resbak” kahapon ay sina Marko Rudio na kumanta ng “Yugto” ni Rico Blanco at si Ayegee Paredes, na bumirit ng “Superwoman” ni Karyn Whiteman. Wagi si Marko sa nasabing round.

Nagsilbing mga hurado rito sina Louie Ocampo, Dingdong Avanzado, at Pops Fernandez.

Sa kanyang Facebook post, naglabas ng saloobin si Marco at tinawag ngang “cooking show.” Ang feeling niya, mas karapat-dapat manalo si Ayegee na umuwi pa raw ng Pilipinas para sa contest.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag si Marco Adobas sa desisyon ng management na tanggalin siya sa kumpetisyon. Bukas ang BANDERA sa kanyang panig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending