Vhong Navarro umalma sa mga basher ng binasang script sa Showtime
PUMALAG ang “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro sa mga bashers na nagbibigay malisya sa spiels niya sa kanilang noontime show.
Iniintriga kasi ng ilang netizens lalo na ang mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang binasang opening spiels sa kanilang live episode noong Miyerkules, March 12, na tila double meaning o may ibang kahulugan.
Sa kanyang X (dating Twitter), ibinahagi ni Vhong ang larawan ng kanyang binasang spiels.
Diin niya, wala siyang masamang intensyon nang sabihin niya ang salitang “Dasurv”.
Baka Bet Mo: Vhong Navarro napuri ng model-actor na nakasama sa piitan noon
View this post on Instagram
“Ako po ay nagtatrabaho lang at binasa ko lang ang spiels ko. Wala po akong masamang intensyon. Love and peace!” saad ni Vhong.
Umani naman ng pagsuporta mula sa mga netizens ang pagpapaliwanag ng dancer-host.
“OMG napanuod ko yan! as in wala namang ibig sabihin! grabe talagng kinonek ng mga DDShits di ako makapaniwala na nagawa pa nilang isipin toh! hahaha iba! Vhong u need not to explain! ganyan siguro ang mga taong sumusuporta sa obviously may kasalanan sa Diyos at sangkatauhan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Diba lagi namang ganyan spiels sa mga noontime show? Uplifting and lively dapat ang spiels. Bakit binibigyan niyo ng kahulugan?”
“it’s Time kuyss vhong para maasampulan sila Lalo na yong Kay kim grabe ang lala dina makatarungan…baka pwede niyo e convince na magsampa na nang kaso para matigil na,” sey naman ng isa.
Matatandaang bukod sa TV host-dancer, kinuyog rin ng mga tagasuporta ni Duterte ang kasamahan nitong si Kim Chiu.
“Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalang talaga,” sey ni Kim sa pang-iintriga sa kanya.
Matatandaang nitong Martes, March 11 nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong isinampa ng ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.