Vhong Navarro napuri ng model-actor na nakasama sa piitan noon
IBINUNYAG ng TV actor at model na si Aeron Cruz kung paani nakisama sa kanila ang Kapamilya TV host-comedian ns si Vhong Navarro noong nasa loob pa ito ng kulungan.
Sa kanyang naging panayam sa talent manager na si Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel nito, naikuwento mg modelo na nakasama niya noon ang “It’s Showtime” hostsa kulungan matapos siyang maaresto at masangkot noon sa isang buybust operation.
“Mayroon po siyang [Vhong] mga natulungan na walang-wala. Hindi dinadalaw. Kaya napakabuti niya pong tao. Kagaya po ng matulungan niya ‘yong mabigyan niya ng pagkain kasi po walang dalaw,” lahad ni Aeron.
Aniya, kung ano ang mayroon ang Kapamilya star ay ibinabahagi niya sa kanyang kasamahan.
Baka Bet Mo: Kapwa-akusado ni Cedric Lee sa kaso ni Vhong Navarro sumuko na sa NBI
View this post on Instagram
“Kung ano pong mayro’n siya o kinakain niya na pagkaing laya, shine-share din po niya sa kagaya namin. Hindi lang po pagkain ‘yong naitutulong sa amin ni Kuya Vhong. Pati na rin po sa mga inmate,” kwento pa ni Aeron tungkol kay Vhong.
Nag-abot rin ito ng mga kagamitan sa ibang inmates na hindi na dinadalaw faya ng toiletries.
“Minsan po financial health din po ang naitutulong ni Kuya Vhong,” dagdag pa ni Aeron.
Matatandaang ilang buwan ring nanatili sa piitan ang “It’s Showtime” host noong 2022 matapos siyang hainan ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ng Taguih City.
Ito ay may kaugnayan sa kasong rape na isinampa kay Vhing ng model na si Deniece Cornejo.
Ngunit matapos ang ilang buwan ay nakapagpiyansa ito para sa pansamantalang kalayaan.
Nitong May 2024 naglabas ng desisyon ang Taguig Regional Trial Court ng desisyon tungkol sa kasong inihain niya laban kina Deniece at sa mga kasahan nitong sina Cedric Lee. Ang naturang desisyon ay pumabor kay Vhomg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.