Maris Racal bad trip pa rin kay Anthony Jennings, plastikan lang?
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin daw okay ang former couple at Kapamilya loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Usap-usapan sa apat na sulok ng kashowbizan na bad trip at imbiyerna pa rin daw si Maris kay Anthony after ng kinasangkutan nilang cheating issue last year.
Ibig sabihin, mukhang kaplastikan lang umano ang nakita ng madlang pipol sa pagitan ng dalawa sa naganap na fan conference ng ABS-CBN series na “Incognito” kamakailan.
Sa nakaraang episode ng YouTube vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi na “Showbiz Updates”, isa nga ang intrigang ito sa mga napag-usapan nila.
Baka Bet Mo: Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!
“Buwisit pa rin daw si Maris kay Anthony Jennings. Baka habang binabalita natin ‘yon okay na sila. Kasi parang naiirita raw si Maris noong Incognito fancon do’n sa Taguig,” ang pahayag ni Mama Ogs.
View this post on Instagram
Ngunit sabi naman ng kanyang co-host na si Mama Loi, “Parang okay na okay naman sila sa stage.” At binanggit nga ang mga comments ng netizens na parang walang nangyaring cheating scandal sa dalawa.
“Hindi naman sila pwedeng magpakita na (naiimbiyerna sila). Understandable ‘yon kung totoo man,” ang punto naman ni Ogie.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon nina Anthony at Maris hinggil sa isyung ito.
Nauna rito, naibalita nga namin ang tungkol sa muling paglantad ng dalawang Kapamilya stars sa fan con ng “Incognito” kung saan nakasama nila ang iba pang cast members ng serye kabilang na sina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneracion at Daniel Padilla.
In fairness, parang wala ngang pinagdaanang iskandalo sina Maris at Anthony na magkatabi pang nakaupo sa stage. Komento ng ilang netizens, ganu’n daw kadaling naka-move on ang dalawang Kapamilya stars sa kinasangkutang kontrobersya.
Sa isang bahagi ng video na napanood namin, natanong ng host ng fancon si Maris kung ano ang tinatarget niyang goal para sa sarili na nais ma-achieve ngayong 2025. Tugon ng dalaga, “To be stronger!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.