Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig! | Bandera

Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

Ervin Santiago |September 27,2022
facebook
share this

Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 09:48 AM

MARAMI ang nagsasabi na pwedeng-pwedeng maging next important leading man sa Kapamilya Network ang young actor na si Anthony Jennings.

Isa ang binata sa mga promising youngstars ngayon sa ABS-CBN na na maswerteng nabibigyan ng magagandang projects mula noong magsimula siya sa showbiz hanggang ngayon.

Sa nakaraang mediacon ng bago niyang show sa iWantTFC, ang youth-oriented series na “Tara, G!”, natanong ang binata kung handa na ba siyang maging next Kapamilya leading man.

Ayon sa mga netizens, kabilang na ang mga supporters ni Anthony, kering-keri niyang abutin ang level nina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Daniel Padilla at iba pang sikat na leading man sa ABS-CBN.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


Halatang nahiya naman si Anthony sa mga papuri sa kanya, “Para sabihin na next leading man, wow. Nakakaiyak siya, nakakakilig.

“Puro pagpapasalamat lang ‘yung kaya kong ibigay. Sana sa susunod malay natin. Tingnan natin kung ano pa mangyayari,” sabi ng aktor.

Kuwento pa ng binata, talagang kinakarir niya ngayon ang pagwo-workout para nas mapaganda pa ang kanyang katawan para kapag nabigyan siya ng bagong projects ay handa at kundisyon na siya.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng ABS-CBN … ng lahat actually. Pati mga kaibigan ko, lagi silang, ‘Gawin mo yan, magbuhat ka lang nang magbuhat,’” aniya pa.

Aminado naman ang aktor na napakarami pa niyang kailangang patunayan para maihilera siya sa mga pambatong male stars ng ABS-CBN.

“Hanggang ngayon naman nag-aaral pa rin ako, I’m still learning. Dine-develop ko pa kung ano yung kaya kong idevelop pa.

“May mga kailangan pa rin talaga akong aralin. I think nagsisimula naman na siya. Tingin ko natututunan ko nang mas mabilis compared before. Nag grgrow naman ako,” chika ni Anthony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang binata sa “Tara, G!” kasama sina Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, JC Alcantara, Daniella Stranner, Zach Castañeda, at CJ Salonga. Magsisimula na ito sa iWantTFC sa October 7.

Anthony Jennings hindi nakapag-aral: Kaya hindi rin ako marunong magsulat at magbasa

Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Maris binansagan ni John Lapus ng ‘next romcom queen’, lelebel na kina Toni, Angelica at Regine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending