Kotse ni Daniel ilang gabi nang paikut-ikot sa bahay ni Kathryn?

Kotse ni Daniel ilang gabi nang paikut-ikot sa bahay nina Kathryn?

Ervin Santiago - January 20, 2025 - 12:45 AM

Kotse ni Daniel ilang gabi nang nakikita sa subdivision nina Kathryn

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

TRULILI kaya ang kumakalat na chika na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa isang subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo?

May balita kasi na patuloy na gumagawa ng paraan si DJ para magkausap uli sila nang masinsinan ni Kath dahil sa kagustuhan umano nitong magkabalikan sila.

Ayon sa veteran showbiz columnist at radio-online host na si Nanay Cristy Fermin, may nakapagkuwento rin sa kanya ng tungkol sa pagpunta-punta ni Daniel sa bahay nina Kathryn.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin dasal pa rin ang paggaling ni Kris, nakatanggap ng larawan ng diumano’y tirahan ng aktres

“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo…sina Kathryn,” pambubuking ni Nanay Cristy sa aktor sa nakaraang pisode ng programa niyang “Showbiz Now Na.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)


Rebelasyon pa ni Nanay Cristy, “Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makakapagtulay para sa kanila ni Kathryn.”

Ngunit sabi ng batikang manunulat at TV host, maaari naman daw idenay, kumpirmahin o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang nasabing chika na nakarating sa kanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang patuloy pa ring sinusuyo ni Daniel sa Kathryn matapos ang kanilang breakup.

Kasunod nito ang balitang personal na pinuntahan ng aktor si Kathryn sa dressing room nito sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN last December.

Kumalat pa nga ang isang video clip at mga litrato kung saan makikita ang paghalik ni Daniel sa noo ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At in fairness, hanggang ngayon, kahit matagal na silang hiwalay ni Kathryn, ay hindi pa rin dini-delete ni Daniel ang mga sweet photos nila together sa Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending