BB Gandanghari wasak ang puso nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’
MATINDING sakit at kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng proud transwoman na si BB Gandanghari dahil sa kundisyon ng kanyang inang si Eva Cariño.
May mga pagkakataon kasing hindi na raw siya nakikilala ng kanyang nanay dahil sa edad nito. Hindi raw niya lubos maisip na darating ang araw na ito sa kanilang pamilya.
Kuwento ni BB sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” talagang bumalik siya sa Pilipinas last September mula sa Amerika kung saan na siya naninirahan, para sa kanyang ina pati na rin sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.
“Nandito ako last September because noon, si Mama kasi nag-deteriorate. So, hindi na siya masyadong nagsasalita. So, sabi ko, ‘Teka, uuwi ako.’
Baka Bet Mo: BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla
“Si Robin (Padilla, nakababatang kapatid ni BB) naman sabi niya, ‘Sige, umuwi ka rito, dito ka na lang mag-birthday,” pagbabahagi ni BB na dating si Rustom Padilla.
Hindi agad sumagot si BB kay Robin dahil nag-aaral na nga siya sa isang film school sa Los Angeles at sobrang hectic ng kanyang schedule. Pero talagang pinakiusapan siya ng kapatid na senador na umuwi muna sa Pilipinas.
“Sinorprise ko siya (Eva Cariño). Kaya talagang hindi rin niya alam. Tapos sabi ko pa sa mga caregiver niya, ‘Meron akong darating na package ha, abangan ninyo.’ Hindi nila alam ako ‘yung darating.’ Kaya sinasabi nila kay Mommy, ‘Meron daw darating na package from BB,’” aniya pa.
View this post on Instagram
Inalala naman ni Tito Boy ang kuwento na isang araw bago raw umuwi si BB sa bansa, ay nakatingin lamang si Mommy Eva sa bintana na parang may hinihintay daw.
“It wasn’t even a surprise to me anymore. Kasi every time I would talk to her on the phone, she would ask ‘yung caregivers niya ‘Sino siya?’
“And it would break my heart. I would tell my friends sa Amerika na, I think it’s the most painful na ‘yung kapag sinabi ng mama mo na, ‘Sino ka?’” pahayag ni BB.
Sey pa ng sister ni Sen. Robin, napakatapang ng kanilang ina na tumayo ring ama sa kanilang magkakapatid, “She’s very strong. Nanay at tatay namin siya. Although nakikita namin ang papa namin, but she was very strong sa pagdidisiplina sa amin.”
Nang dahil sa klase ng pagdidisiplina sa kanila ni Mommy Eva ay naging “very independent” siya sa murang edad, “Plus the fact also, ako kasi ‘yung parang laging naaasahan niya pagdating sa, ako ‘yung namamalengke.
“So nag-e-enroll ako sa sarili ko, ini-enroll ko si Robin. And giving me that kind of trust at a very young age. Of course, I never thought of this before. But now that I’m in the States and living my own life, doon ko lahat binubunot ‘yun,” pag-alala pa ni BB.
Unang nakilala si BB bilang si Rustom Padilla na naging karelasyon pa noon ni Carmina Villarroel. Taong 2006 nang aminin niya ang pagiging bading.
Sa isang Instagram post noong January 16, 2009, ibinandera ni BB na bumalik siya sa Pilipinas para ibalita sa publiko na, “Rustom Padilla is dead” kasabay ng pagpapakilala sa sarili bilang si BB Gandanghari.
Noong 2016, ibinalita naman ni BB na finally, napalitan na ang kanyang kasarian bilang isang babae sa mga legal na dokumento sa Amerika matapos na aprubahan ng isang California court ang kanyang petisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.