Robin Padilla isinusulong ang pagiging legal ng cannabis, maraming medical benefits
SA ginanap na mediacon ni Senator Robin Padilla nitong Huwebes, Disyembre 19 sa The Forum At Solaire Resort and Casino ay inamin nitong pumasa na sa Kongreso ang pinayl niyang Senate Bill 2573 o Cannabis Medicalization Act of the Philippines.
Hinihintay na lang niyang pumasa na rin ito sa Senado. Ipinaliwanag nito na kung sakaling maging legal na ito ay maraming benepisyong medikal ang makukuha.
Ani Robin, “Ito na ang pinakamura at pinaka-epektibo na puwede pong i-subsidize ng gobyerno.
“Sa matagal na panahon po lagi po itong umaabot ng third reading sa House pero pagdating po sa Senate hindi po ito tumatakbo.
Baka Bet Mo: Robin Padilla bet na bet si Trump: ‘Only he can save the world from war!’
“Siguro po dahil sa generation gap dahil matagal sa panahon na ‘yung mga nakaupo din sa ating senador, sa atin pong mataas na Kapulungan ay medyo nakatatanda.
“Ang mga nakaupo po ngayon na mga senador ay mas ka-edad po natin, mas naiintindihan na po nila kung ano ang benepisyo ng cannabis. Kaya po ngayon umabot na po kami sa interpellation.”
Maraming matutulungan ang medical cannabis na mga kababayan nating naysakit lalo na sa mga hirap sa buhay na hindi kayang gumastos.
Inayunan naman ito at ipinaliwanag ni Dr. Shiksha Gallow, a cannabis clinician na kasalukuyang nasa Pilipinas para ipaliwanag ang tungkol dito.
“It’s time because patients need it, the science supports it,” diin ng duktora na kasama sa mediacon ni Sen. Robin.
Ang medical cannabis ay para ito sa chronic pain, auto-immune inflammatory conditions such as multiple sclerosis, rheumatoid arthritis, insomnia, epilepsy, cancer, ADHD at autism.
“Thailand has opened up cannabis but now it’s time for the Philippines to give it a try. I believe Philippines can lead medical cannabis in Asia,” sambit ni dr. Gallow.
Pero inamin din nito n sa 7 porsiyentong medical cannabis ay masyadong mababa ito para maging adik ang isang tao dahil mas nakaka-adik ang caffeine (coffee) dahil may 9% ito at ang inuming alcohol ay nagtataglay ng 20% at ang paninigarilyo ay may 30%.
“So why are we demonizing something that is less addictive than the cup of coffee on your table?” saad ng duktora.
Samantala, nasambit naman ni senador Robin Padilla na kapag hindi pumasa ang bill niya sa 19th Congress ay muli niya itong ipa-file sa 20th.
Sa kuwetuhan naman namin ni Ms Nadia Montenegro na staff ni senator Robin ay inaming kung nabigyan ng medical cannabis oil ang tatay ng mga anak niyang si Ginoong Boy Asistio ay malamang buhay pa ito ngayon.
“Hindi ko na babanggitin ang pangalan niya na kasamahan din natin sa showbiz na talagang nagmakaawa ako sa kanya na bigyan o pabilhin kami ng cannabis oil dahil siya lang ang legal na meron.
“Kasi ‘yun ang kailangang gamot para kay Boy, pero hindi nangyari, sana gumaling pa sana siya that time,” paliwanag ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.