BB Gandanghari inalala pagpanaw ni Royette Padilla: Ang sakit!

BB Gandanghari inalala ang pagkamatay ni Royette Padilla: Ang sakit!

Ervin Santiago - January 20, 2025 - 07:00 AM

BB Gandanghari inalala ang pagkamatay ni Royette Padilla: Ang sakit!

BB Gandanghari, Royette Padilla at Robin Padilla

HINAYANG na hinayang si BB Gandanghari na never silang nabigyan ng chance ng namayapa niyang kapatid na si Royette Padilla na maging close sa isa’t isa.

Matinding sakit at pangungila ang naramdaman ng proud transwoman nang mamatay si Royette noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Dahil sa pandemya ay hindi rin siya nakapunta sa burol at libing ng kapatid.

Nai-share ni BB ang tungkol kay Royette sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nang hingan siya ng paliwanag  tungkol sa nakatatandang kapatid na inilarawan niya bilang “big brother I never met.”

“Because I was never close to him. Parang hindi ko siya nakilala bilang ‘yung tao na hindi kuya, kundi ‘yung tao, o anong klase siyang tao,” simulang pagbabahagi ni BB.

Baka Bet Mo: BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

“Hindi kami nakapag-usap nang tungkol sa mga aspiration niya, frustrations niya. We never went that far,” aniya pa.

Sana raw ay nabigyan sila ng chance na  maging malapit sa isa’t isa noong mga bata pa sila. Natanong siya ni Tito Boy kung ano ang gusto niyang sabihin kay Royette.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bb. Gandanghari (@gandangharibb)


“I wish I could…hindi ko kasi masabi ‘yung…pero ang gusto ko sabihin is, sana magkaroon tayo ng pagkakataon na magkakwentuhan. Gusto ko siyang makakuwentuhan. Usap lang,” ang naluluhang pahayag ni BB.

Naikuwento rin ni BB ang na-feel niya noong hindi siya nakapunta nang personal sa burol at libing ng kapatid.

“It hit me so hard kasi naka-zoom ako habang wake and all. Hanggang libing, nandoon ako sa zoom. And then pagkatapos noong libing…all of a sudden wala akong mayakap. Ang sakit.

“Wala akong mahawakan. Doon ko naramdaman ‘yung, oh my God, ganito kasakit. Hindi ako nagkaroon ng proper goodbye. Hindi ko siya…up to the last minute, wala akong moment sa kanya,” sabi pa ng kapatid ni Sen. Robin Padilla.

Samantala, nabanggit din ni BB sa panayam ni Tito Boy na para sa kanya ay si Mariel Rodriguez ang “the best” sa mga nakarelasyon ni Robin.

“Si Mariel is, I think, with all due respect sa mga naging karelasyon ni Robin, I think she is the best thing that ever happened to Robin as far as ‘yung relationship is concerned.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Very swak silang dalawa and she’s also very loving as far as kay mama,” sey pa ni BB Gandanghari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending