Robin tinatratong tunay na girl si BB Gandanghari, little sister ang peg
FEELING thankful si BB Gandanghari sa nakababatang kapatid na si Sen. Robin Padilla dahil tanggap na tanggap na nito kung ano man siya ngayon.
Okay na okay daw ang relasyon nila ni Robin pati na sa iba pa nilang mga kapamilya, kabilang na sa pinakamamahal nilang ina na si Mommy Eva Cariño.
Kung noon ay hindi pa totally maunawaan ng actor-public servant ang nangyari sa utol niyang si Rustom Padilla na ngayon ay namumuhay na sa Amerika bilang si BB Gandanghari, ngayon ay natanggap na ito ni Robin nang bonggang-bongga.
Baka Bet Mo: BB Gandanghari nakiramay sa pagkamatay ng ama ni Carmina Villarroel
Sa guesting ni BB sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, January 14, tinanong ng King of Talk ang kaibahan ng relasyon nila noon ni Robin bilang si Rustom sa samahan nila ngayon as BB.
“Si Robin at si Rustom, ay brothers so they treat each other as brothers and then ang pinakamalaking pagkakaiba, tinatrato ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister. Ramdam na ramdam ko ‘yan,” paliwanag ni BB.
Sa katunayan, kapag magkasama silang lumalabas ay parang tunay na girlalu na ang turing sa kanya ng aktor at senador. Tulad na lang ng pagpapauna sa kanya sa pila kasabay ng pagsasabi ng, “Ladies first.”
Naalala rin daw niya ang pagpapasuot sa kanya ni Robin ng hijab nang magtungo sila sa isang mosque sa Taiwan.
View this post on Instagram
“Nire-recognize niya lahat ng iyon. He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid,” sey ni BB.
Ayon kay BB talagang hindi tanggap ni Robin ang nangyaring transition sa kanya mula sa pagiging lalaki patungo sa pagiging transgender woman. Talagang ayaw daw siyang makita noon ng kapatid.
Pero kalaunan ay nagbago rin ang pagtingin ni Robin sa kanyang bagong pagkatao dahil din sa kanilang inang si Eva Cariño.
Nagdesisyong umuwi muna sa Pilipinas si BB dahil sa health condition ng kanilang ina na umano’y nagde-deteriorate na.
Mapapanood sa isang video na ibinahagi ni BB sa Instagram ang pakikipag-usap niya sa ina pero hindi na siya sinasagot. Kaya tinanong siya ni Tito Boy kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling yun.
“It wasn’t even a surprise to me anymore. Everytime I would talk to her on the phone, she would ask ‘yung caregivers niya, ‘Sino siya?’ and it would break my heart.
“I would tell my friends sa Amerika na ‘I think it’s the most painful na ‘yung pag sinabi ng mama mo na, ‘Sino ka?’ So sabi ko, ‘Teka, uuwi ako,'” sabi pa ni BB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.