BB Gandanghari Student of the Month sa US film school, ‘oldest’ sa klase
PROUD na proud na ibinandera ni BB Gandanghari sa buong universe ang latest achievement niya bilang estudyante sa Amerika.
Kinakarir ngayon ng kapatid ni Sen. Robin Padilla ang kanyang pag-aaral sa Los Angeles Film School sa California kung saan siya kumukuha ng second degree.
Masayang ibinalita ni BB sa pamamagitan ng kanyang Instagram page ang nakuha niyang award kamakailan sa kanilang school, ang pagiging Student of the Month.
Kalakip ang isang short video kung saan makikita ang pagpasok niya sa school, ang kanyang kuwento sa likod ng nakuhang award.
Baka Bet Mo: BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!
“#StudentOfTheMonth: being so takes a lot of perseverance, tenacity and prayers. School deadlines would often times be overwhelming information that would require sleepless nights to finish a project.
“It needs a lot of hard work and discipline to meet these deadlines and making it to class prepared and on time. High grades besides an obvious indication of excellence, is actually a motivation to strive even harder to create a better future through formal education.
View this post on Instagram
“Thank you the Los Angeles Film School for this motivation as much as it is a challenge to carry on. Education is the mother of Leadership! We have to know WHAT we are even before we know WHO we are. Dream to become (emojis),” aniya pa.
Nauna rito, nag-post din si BB sa IG tungkol sa kanyang film school experience. Nag-live pa nga siya sa Instagram habang ginaganap ang kanilang Los Angeles Film School Cultural Community Day.
Baka Bet Mo: BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva
Ininterbyu pa niya ang ilan sa kanyang schoolmates. Aniya sa caption, “#bitsAndPieces: getting to know my community, When moving forward mean going back to basics…. The great irony of life.”
Nagkomento pa siya tungkol sa pagiging “senior” sa kanilang klase dahil nga sa agwat ng edad niya sa mga kaklase sa naturang film school.
“So this is one good thing sa school, na parang may mga bagong mga nakikilala, new communities, young people. Ako yung pinakamatanda dito.
“Lahat ng mga nandito, everyone is like in the millennial and Gen Z demographic. Parang ako lang ata dito yung mag-isa na nasa Gen X,” ang natatawa pa niyang sabi sa video.
Matatandaang sumailalim si BB sa tinatawag ma hormone replacement therapy noonh 2019 bilang bahagi ng kanyang “transition” sa pagiging babae.
Last year, nabigyan ng chance si BB na makasama uli ang kanyang pamilya kabilang na si Sen. Robin at mukhang tanggap na tanggap na niya ang pagiging “babae” ng kapatid niyang si Rustom Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.