Robin Padilla sinabing baseless ang pagsuspinde ng NTC sa SMNI

Robin Padilla sinabing ‘baseless’ ang pagsuspinde ng NTC sa SMNI

Therese Arceo - December 24, 2023 - 08:43 PM

Robin Padilla sinabing 'baseless' ang pagsuspinde ng NTC sa SMNI

“BASELESS” para sa actor-senator na si Robin Padilla ang pagkakasuspinde ng National Telecommunication Commission (NTC) sa SMNI o Sonshine Media Network International.

Sa kanyang pahayag na inilabas nitong Biyernes, December 22, sinabi niyang nakatutulong ang mga program ng SMNI sa pamahalaan.

Para kay Robin, nakakatulong ito sa “anti-terrorism campaign” ng pamahalaan sa pamamagitan ng “pagmulat” sa publiko laban sa “communist propaganda and recruitment strategies.”

Matatandaang sinuspinde ng NTC ang SMNI ng tatlumpung araw (30 days).

Plano rin ni Robin na pormal na maghain ng resolusyon tungkol sa naturang isyu kapag nagpatuloy nang muli ang Senate sessions sa January 2024.

Siya kasi ang nagsisilbing chairperson ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun?

“The NTC, in its show cause and suspension order, failed to indicate the need to suspend the operations of the SMNI, much more express how this is necessary to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests,” saad ni Padilla sa draft ng kaniyang resolusyon.

“In the absence of proof of serious and irreparable damage or inconvenience to the public or private interests that may be caused by SMNI’s continued operations, the general rule shall apply wherein the NTC shall have the power, upon proper notice and hearing, to issue a suspension order pursuant to the Public Services Act.

“The baseless issuance of a 30-day suspension order is a transgression of SMNI’s right to due process, which will result in serious and irreparable damage to it and its employees no less,” pagpapatuloy pa ni Robin.

Matatandaang noong Huwebes, December 21, pinatawan ng NTC ang SMNI ng 30-day suspension dahil sa umano’y paglabag ng netwrk sa terms ang conditions ng kanilang prangkisa alinsunod sa House Resolution No. 189.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending