'Hari sa Hari, Lahi sa Lahi' remake ni Robin tuloy pa rin

‘Hari sa Hari, Lahi sa Lahi’ remake ni Robin tuloy pa rin – Raul Lambino

Ervin Santiago - March 31, 2025 - 08:22 AM

'Hari sa Hari, Lahi sa Lahi' remake ni Robin tuloy pa rin - Atty. Raul Lambino

Raul Lambino at Robin Padilla

TULOY pa rin ang plano ng producer at kumakandidatong senador sa darating na May, 2025 elections na si Atty. Raul Lambino na gawin ang remake ng pelikulang “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.”

Ang naturang historical movie ay tungkol sa magandang pagkakaibigan nina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di. Ito’y pinagbidahan noon nina Vic Vargas at Wang Hsing Gang.

Ito’y ipinrodyus ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) mula sa panulat at direksyon ni Eddie Romero.

Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Atty. Raul Lambino kamakailan sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores.

Dito nga niya naikuwento na balak niyang mag-produce uli ng mga pelikula. Dalawang movie ang nagawa niya ilang taon na ngayon ang nakararaan, kabilang na ang pinagbidahan ni Glydel Mercado.

Kuwento ni Atty. Lambino, matutuloy pa rin daw ang remake ng 80s movie na “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi” na pagbibidahan ni Sen. Robin Padilla.

Nag-yes na raw sa kanila ang senador. Sa katunayan, isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagpunta ang aktor at public servant sa China upang pag-aralan at malaman ang totoong kuwento nina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di.

Pagbabahagi pa ni Atty. Lambino na siya ring chairman ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU), sentro ng kuwento ng naturang pelikula sa magandang relasyon ng Pilipinas at China noon.

At sa pamamagitan raw ng pagre-remake ng “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi” ay maipaalala nila ito sa buong mundo sa gitna ng territorial dispute na namamagitan sa dalawang bansa.

Sey pa ni Atty. Lambino, handa na ang mga producer at inaayos na rin nila ang script ng movie para mas maging detalyado at magkaroon ng bagong approach sa kuwento.

“I’m being asked by the Chinese producers and talagang gusto nilang i-revive iyong pelikula. Tinanong nila ako kung sinong pwedeng the best na magbida sa pelikula? At sinabi ko na si Sen. Robin Padilla.

“He will be the best to do this because, well aside from being a good politician he’s a multi-talented awarded actor. And he is a Muslim.

“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim and Sen Robin is also a very avid historical researcher. Nag-aaral talaga,” aniya pa.

Papuri pa niya kay Robin, “I’m very very impressed of Sen Robin’s intellectual capacity. Minamaliit lang kung minsan ang mga artista.”

Sa kuwento ng pelikula, tatlo ang asawa ng Sultan kaya ipinauubaya na raw nila kay Robin kung sinu-sino ang gusto niyang gumanap bilang mga asawa niya.

“Siguradong he will consult Mariel (Rodriguez) pagdating diyan,” sabi pa ng senatorial aspirant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay naka-focus muna si Atty. Lambino sa pangangampanya sa pagtakbo niyang senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending