Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun? | Bandera

Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun?

Ervin Santiago |August 01,2023
facebook
share this

Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun?

Ervin Santiago - August 01, 2023 - 11:19 AM

Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun?

Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Maria Isabella at Maria Gabriela Padilla

NAPAKARAMI pang nadidiskubre ng TV host-entrepreneur na si Mariel Rodriguez sa kanyang pinakamamahal na husband na si Sen. Robin Padilla.

Ayon kay Mariel, may mga ugali at katangian daw ang asawa na hindi niya nakita noong nagsisimula pa lang silang bumuo ng sariling pamilya.

Sa guesting ng TV host-actress at online seller sa “Fast Talk with Boy Abunda” napag-usapan nga nila ang tungkol sa ilang taong pagsasama nila ng senador bilang husband and wife at bilang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Ayon kay Mariel, na muling nakatapak sa bakuran ng GMA 7 makalipas ang mahigit 20 years, wala siyang masasabi sa pagiging asawa at pagiging tatay ni Binoe sa kanilang mga anak.

Isa sa mga tanong ni Tito Boy sa kanyang talent, “Ano ‘yung nadiskubre mo tungkol sa sarili mo na ‘Kaya ko pala ito’ na noong hindi ka pa nagpapakasal ay hindi mo alam?”

Sey ni Mariel, napakasuwerte niya kay Robin at ibang-iba raw ang ugali at personalidad nito sa naging image ng aktor noon.

“To tell you the truth, Robin doesn’t make it difficult for me. I want to say nice things like, ‘Oh you do this na kaya mo pala, ganito pala ‘yun.’

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

“But you know, honestly speaking, Robin doesn’t make it difficult for me. I know that for many it’s difficult to believe because of how he was before.

“But I was so blessed because when I married him, ready na siya to really commit himself in the marriage,” pahayag ni Mariel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Pagpapatuloy pa niya, “What I discovered about Robin, siya pala ‘yung fun one.

“Akala ko kasi ako ‘yung fun, e. You’d think ako ‘yung fun but no, Robin is the one who’s spontaneous, Robin is the one who will do whatever,” aniya pa.

Sa ngayon, super happy at contented naman si Mariel sa pagiging wifey ni Sen. Robinhood at hands-on mommy sa kanilang mga anak na aniya’y napakadaling magsilakihan.

Tuloy pa rin daw ang kanyang pagiging content creator at masaya pa rin siya sa pagiging online live seller.

Mariel biktima rin ng body shaming: Pinakanakakainis ay yung sabihan ka ng, ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin nag-panic, isinugod ang anak na ospital dahil pabalik-balik ang lagnat; Mariel mas naseksihan pa sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending