Boobay pinakaba ang madlang pipol, biglang nag-hang sa 'Fast Talk with Boy Abunda' | Bandera

Boobay pinakaba ang madlang pipol, biglang nag-hang sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’

Therese Arceo |April 20,2023
facebook
share this

Boobay pinakaba ang madlang pipol, biglang nag-hang sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’

Therese Arceo - April 20, 2023 - 07:35 PM

Boobay pinakaba ang madlang pipol, biglang nag-hang sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

NATARANTA ang madlang netizens na nanonood ng live guesting ni Boobay sa “Fast Talk With Boy Abunda’ matapos itong hindi makapagsalita ng ilang minuto.

Bigla na lang kasi naging unresponsive ang komedyante habang kausap ni Boy sa unang bahagi ng programa.

“How was that feeling? Take me back to that moment nung ika’y sinabihan na mahusay ka and you’re one of the finalists. Anong sinabi mo noon? Naniwala ka ba?” tanong sa kanya ng batikang host.

Samantala, paulit-ulit na “uhhmm” lamang ang isinagot ni Boobay kay Boy.

Pag-aakala ng TV host na nagiging emosyonal lamang ang komedyante sa paggunita ng kanyang naging journey sa pagkapanalo.

Ngunit nataranta na ito at agad nilapitan si Boobay nang mapansin na hindi na normal ang ikinikilos nito at tinanong kung ok pa ba ito.

Dito ay ipinaliwanag ni Boy na kahapon ay masama na talaga ang pakiramdam ng komedyante.

“Kahapon po kasi Nay, Tay… tulungan lamang natin… medyo masama ang pakiramdam ni Boobay… Let’s take a break, Direk. We’ll take care of Boobay… Let’s take a break,” kalmado ngunit nag-aalalang sabi ni Boy.

Matapos nga nito ay nagkaroon muna ng commercial break at tinawag ang mga nakatambay na medical personnel para tignan ang kalagayan ng komedyante.

Baka Bet Mo: Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa

Pagbalik ng programa ay makikitang maayos na ang pakiramdam ng Kapuso star at ipinaliwanag ang nangyari.

“Tito Boy, I am okay. Ito yung pagkakataon kahapon nagte-taping kami bigla akong medyo nag-hang habang kami ay nagsu-shoot ng The Boobay and Tekla Show.

“Siguro dahil sa ilaw at the same time, medyo siguro konti pa lang yung tulog ko na maling-mali sa ginawa ko,” pagpapaliwanag niya.

Dagdag pa ni Boobay, “Dapat kailangan talaga bago ka pumunta sa isang trabaho, huwag kang kukuha ng ibang trabaho para kahit papaano, mailagay mo yung katawan mo sa maayos.

“Pero sinabi naman sa akin ng doktor before na mangyayari talaga sa akin after nung nangyari sa akin before noong naospital ako.”

Nasabihan nga raw si Boobay na mayroon talagang pagkakataon na magha-hang siya at ang dapat lang raw gawin ay huminto muna hanggang sa bumalik siya sa normal.

Matatandaang noong November 2016 nang ma-stroke ang komedyante kaya pinaalalahanan siya ng TV host na alagaan ang sarili.

“You really have to take good care of yourself. Paalaala din po natin yan sa mga sarili natin kasi minsan, lalo na dito sa studio, hindi natin alam ang gabi. Hindi natin alam ang araw. Nagte-taping ng ilang episodes,” sey ni Tito Boy kay Boobay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rita naiyak sa nakuhang nominasyon sa Int’l Filmfest Manhattan; David, EA aamin kina Boobay at Tekla

Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending