Kris Bernal magsasakripisyo para sa pamilya: Just to give them the best life!

Kris Bernal, Perry Choi at Hailee Lucca
MAS naging “selfless” at “patient” pa ngayon ang Kapuso actress na si Kris Bernal simula nang ipanganak niya ang panganay na si Hailee Lucca.
Napakarami pang natututunan ng Kapuso actress sa pagiging asawa at ina habang tumatagal at feeling niya ay napakalayo pa ng tatakbuhin ng buhay niya bilang hands-on mom.
Sa guesting ng “Fast Talk With Boy Abunda” kay Kris ay napag-usapan ang pagsasakripisyo ng mga nanay partikular na ang mga OFW para sa kanilang mga pamilya.
“Talagang kapag may pamilya ka, may anak ka, feel ko mas nagiging selfless ka. Talagang magsa-sacrifice ka for your family just to give them the best life,” pahayag ni Kris.
Isa sa mga itinuturing na great inspiration ni Kris ay ang kanyang nanay na isang single mom. In fairness daw ay napalaki siya nito nang maayos at punumpuno ng pagmamahal.
“Siguro the best word that describes me as a mom, ayun nga nabanggit ko kanina ‘selfless’ and I became more patient, more appreciative,” aniya.
View this post on Instagram
“Talagang ibinigay ng nanay ko yung 100 percent energy niya, ‘yung buo niya. Ako feel ko wala nang natira sa kanya. So, ayun ‘yung gusto kong makuha sa mom ko,” lahad pa ng celebrity mom.
Inamin din ni Kris na tulad ng kanyang nanay, mas iniisip na niya ngayon ang kanyang family, lalo na ang anak nila ni Perry Choi na si Hailee.
Chika pa ni Kris, “Noong hindi pa ako nanay, medyo vain pa tayo, more of ourselves.”
Sunod na tanong ni Tito Boy kung sino ang gusto niyang maging role model ni Hailee Lucca, tugon ni Kris, “There’s something that has to be fixed sa sarili ko.”
Pero siyempre sabi ni Kris, gusto niya na maging katulad ni Hailee ang kanyang nanay paglaki nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.