Toni Fowler hindi maayos ang relasyon sa ina, pakialamerang lola nga ba?

Toni Fowler at ang dalawang anak
MAS pipiliin muna ng content creator at influencer na si Toni Fowler ang magpakananay kesa maging anak sa kanyang ina.
Aminado si Toni na hindi maayos ang relasyon niya ngayon sa kanyang nanay dahil sa isyu ng pagpapalaki at pag-aalaga sa dalawang anak na sina Tyronia at Tyrone.
Ayon sa vlogger at singer, may mga boundary at limitasyon siyang itinakda sa kanyang nanay pagdating sa pakikipag-ugnayan at pag-aalaga sa mga anak.
“Ang mother ko, nag-usap kami, pagkatapos naming mag-usap, hindi niya ako gustong mapakinggan nang buo.
“So, ang nangyari, nag-sorry ako sa kanya pero hanggang du’n na lang ako,” ang chika ni Toni sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
“Ang gusto ko kasi magkaroon kami ng boundaries pagdating sa anak ko. So, sa nakikita ko, hindi, hindi niya gagawin. Hindi porke kasi lola ka, puwede kang, ‘Ay ito desisyon ko. Ah, ito ang sasabihin ko.’ Hindi puwedeng ganu’n,” esplika pa ng vlogger.
Sabi nga ni Toni, mas gusto niyang pagtuunan muna ng pansin ang pagiging nanay kesa sa pagiging anak.
“Para sa akin kasi, kung hindi maayos ang relasyon namin bilang mag-ina, ayokong masira ‘yung akin, sa anak ko.
View this post on Instagram
“Kailangan maintindihan ng mommy ko na hindi ko kakalimutan maging anak, pero bilang magulang na ako ngayon, ang priority ko, mas pipiliin ko na maging magulang kaysa maging anak muna,” saad pa ni Toni.
“Uunahin kong maging magulang. Hindi puwede makakarinig ang anak ko na hindi ka mahal ng mommy mo.
“Nanggagaling pa sa lola nang dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. ‘Yun ang hindi pupuwede,” mariing sabi ni Toni.
Sunod na tanong ng King of Talk na si Tito Boy kung ano ang mga tutularan at hindi tutularan sa ugali at personalidad ng kanyang ina.
“Yung hindi ko gagayahin sa mommy ko siguro sa tingin ko ‘yung hindi ako nakikinig sa anak ko at hindi ako nagso-sorry. Kasi ako, nagso-sorry ako sa anak ko,” sagot ni Toni.
At ang gagayahin naman niya sa kanyang nanay ang kasipagan at tapang nito para buhayin silang magkakapatid.
“Ganu’n ang mommy ko, siya lang, single mom. Matapang ang mommy ko,” sey ni Toni.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.