Toni Fowler may inamin tungkol sa kanila ni Jon Gutierrez

Toni Fowler may inamin tungkol sa kanila ni Jon Gutierrez; takot sa karma!

Ervin Santiago - April 10, 2025 - 12:10 AM

Toni Fowler may inamin tungkol sa kanila ni Jon Gutierrez; takot sa karma!

Toni Fowler at Jon Gutierrez

TOTOONG-TOTOO ang karma para sa content creator na si Toni Fowler, lalo na kapag may mga tinapakan at inagrabyado kang tao.

Binalikan ng controversial vlogger ang mga naging relasyon niya noon sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, April 8.

Dito, ibinahagi niya sa King of Talk na si Boy Abunda ang mga realization niya pagdating sa pakikipagrelasyon, lkabilang na riyan ang ex-boyfriend niyang si Ex Batallion member Jon Gutierrez na kilala rin bilang King Badger.

“Natutunan ko du’n na, number one, tulad ng sinasabi ko sa kanila palagi, huwag kang magko-comfort ng bagong break up,” pahayag ni Toni.

Ang tinutukoy niya ay nang madamay siya sa kontrobersyal na hiwalayan ni Jon at ng dati nitong asawa at kapwa vlogger na si Jelai Andres ilang buwan lamang after ng wedding nila noong 2018.

Inamin ni Toni na totoong naging dyowa niya si Jon noong 2016 kasabay ng pagdedenay sa lumabas na balita noon na ipinagpatuloy nila ng rapper at songwriter ang kanilang relasyon after ng breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Pagpapatuloy ni Toni, “Number two, huwag kang maging dahilan ng ikakasakit ng puso ng isa pang babae kasi kakarmahin ka talaga. ‘Di lang din sa karma, mali ‘yun, magulo siya.”

Aniya, napatunayan niya na ang “attention” pala ay hindi “love”, “Akala ko kasi kapag may attention na binibigay sa ‘kin, love ‘yun.”

Sa kasalukuyan ay super happy na si Toni sa piling ng kanyang partner na si Vince Flores o mas kilala ng madlang pipol bilang Tito Vince.

Biniyayaan na rin sila na anak, si Tyronne Valentine na isinilang ni Toni noong November, 2024. May isa pang anak si Toni sa dating boyfriend na si Aaron Manalo, si Tyronia na 13 years old na ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending