Toni Fowler naiyak dahil sa 'palpak' na gender reveal

Toni Fowler naiyak dahil sa ‘palpak’ na gender reveal

Therese Arceo - July 30, 2024 - 03:47 PM

Toni Fowler naiyak dahil sa 'palpak' na gender reveal

HINDI napigilan ng social media influencer na si Toni Fowler dahil sa pagkadismaya sa nagdaan niyang gender reveal para sa bunsong anak na si Baby Tyrone.

Sa kanyang latest upload sa YouTube noong Sabado, July 27, ipinasilip ng social media personality ang engrade nitong gender reveal sa paparating nilang anak ng dyowang si Vince Flores na kasabay na rin ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Talagang pinaghandaan at ginastusan ni Toni ang maturang event dahil ginanap pa ito sa isang racing track sa Pampanga.

Ang tema namg kanyang reveal ay racing kung saan may team blue para sa boy at team pink para sa girl ang magpapaunahan sa tatlong lap upang malaman kung ano ang gender ng bata.

Baka Bet Mo: Toni Fowler, Tito Vince naghiwalay pero nagbalikan makalipas ang 8 oras

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagamat makikita sa vlog na talagang bongga at pinaghandaan ang event ay marami pa rin talagang pangyayari ang nagaganap sa likod ng kamera na siyang ikinadismaya ni Toni.

Matapos ang video ng kanyang gender reveal at birthday party makikitang umiiyak ang vlogger habang nagsusummbong sa kanyang partner.

Reklamo ni Toni, dapat raw ay silang magdyowa ang unang nagyayakap dahil natupad na lalaki ang maging anak nila ngunit hindi ito nangyaro dahil dinumpg na sila ng iba para i-congratulate.

Sumunod na sumbong nito ay ang hindi na niya halos makita o mapanood ang nangyayari sa racing para malaman ang gender ng bata.

“Nung nare-realize ko lang mula nang matapos hanggang sa mag-uwian, pinag-usapan na ‘yun. Naiinis ako kasi hindi na siya mauulit,” sey ni Toni.

“Naiinis ako. Mukha akong tanga. Hindi ko napanood ‘yung racing. Naiinis ako na nagkakamali ako,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inireklamo rin niya ang hindi magandang performance nang nakuha nilang host para sa event.

Sa huli ay pinangaralan niya ang mga kasama sa ToRo family dahil dismayado siya na sa kabila ng inilabas niyang pera na napakalaki ay hindi pa rin nasunod ang kanyang mga plinano.

“Happy naman ako na it’s a boy pero sana naman napanood ko ‘yung racing,” humahagulgol na iyak ni Toni.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending