Pilita Corrales, Asia’s Queen of Songs, pumanaw na sa edad 85
PUMANAW na ang veteran singer-actress at tinaguriang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. Siya ay 85 years old.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita ngayong araw, April 12, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Sa Instagram page ng Kapamilya star na Janine Gutierrez, ibinahagi ng aktres ang pagpanaw ng beteranang singer kasabay ng kahilingang ipagdasal ang kaluluwa ng kanyang lola.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corrales.
Baka Bet Mo: Jackie Lou inalala ang itinuro ni Pilita Corrales: ‘Never kami pinalaking mayabang’
“Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity.
“She will be remembered for her contributions to the entertainment industry, but most of all for her love of life and family.
“Please join us with your prayers and kind thoughts as we celebrate her beautiful life.
“Further details regarding memorial services will be shared soon,” ang buong pahayag ni Janine na walang nabanggit kung ano ang ikinamatay ng kanyang pinakamamahal na lola.
Kapag nababanggit ang pangalang Pilita Corrales, ang agad na naiisip ng publiko ay ang kanyang mga classic hits na “A Million Thanks To you” at “Kapantay ay Langit”.
Kilala rin siya ng mga Pinoy sa kanyang signature na pagbe-bend ng likod at tagiliran sa tuwing siya’y nagpe-perform. At si Pilita rin ang first ever Filipino singer na nakapag-perform (full house) sa Carnegie Hall sa New York City, USA.
Sa mga hindi pa nakakaalam, bago siya sumikat at naging icon sa Philippine entertainment indusry ay nakilala na siya bilang singer at TV host sa Australia kung saan nakapag-record pa siya ng ilang album. In fact, a street in Australia was even named after her.
Sa Cebu ipinanganak ang showbiz icon at lumuwas siya ng Maynila para tuparin ang pangarap na maging entertainer.
Nag-perform siya sa iba’t ibang kilalang lugar sa Metro Manila, kasama na ang Clover Theater kung saan nagpi-perform noon ang mga kilalang singers, performers at mga artista.
Sa anim na dekada ni Pilita sa mundo ng showbiz, nakapaglabas siya ng 135 albums at nakapag-peform din side by side ang mga big international artists noon na sina Bob Hope, Sammy Davis, Matt Monroe at iba pa.
Ilam sa mga pelikulang nagawa niya ay ang mga sumusunod: “Pa-Bandying Bandying” (1968), “Miss Wawaw” (1969),
Sa telebisyon naman ay naging host siya ng “The Pilita and Jackie Show” (BBC-2), “Ang Bagong Kampeon” (RPN-9), “An Evening with Pilita” (ABS-CBN) at sa Kapuso sitcom na “Lagot ka, Isusumbong Kita” (GMA-7).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.