Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtaka bakit naghiwalay ang dalawa
NAKAPANAYAM ng vlogger na si Timmy Basil si Pilita Corrales kung saan natanong ito patungkol sa kanyang apong si Janine Gutierrez at sa dati nitong karelasyon na si Rayver Cruz.
Malugod naman na pinaunlakan ng singer-actress ang vlogger at sinagot ang mga katanungan nito.
Pagkukwento ni Pilita, gustong gusto niya ang Kapuso star para sa kanyang apo.
Ngunit pag-amin niya, kahit siya ay clueless kung ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa.
āAlam mo. I like Rayver. Me too, I donāt know what happened. Ang sinabi, si Rayver ang umatras. Yun ang nadinig ko. Yun ang sabi niya. āMita, itās Rayverā. Then what can you do, di ba?ā saad ni Pilita.
Aniya, wala naman siyang magawa kahit na gusto niya ang aktor para kay Janine.
Pinuri naman niya ang apo at sinabing super sweet na bata raw ang aktres.
Sey ni Pilita noong ini-interview siya ay kasaluluyang nasa Amerika si Janine dahil may show ito.
View this post on Instagram
Dito na nga siya natanong kung may alam siya sa bagong nali-link sa kanyang apo na si Paulo Avelino.
Mukha namang hindi aware si Pilita sa ugnayan ni Janine sa aktor dahil hindi pa naman daw ito ipinapakilala sa kanya ng apo.
Pero kung sakali man daw na totoo nga ang kumakalat na balita ukol sa apo ay suportado naman niya ito.
āWell, kung talagang⦠wala na akong magagawa. If itās really meant to be, itās meant to be. Kung talagang nagmamahalan sila, sino ba naman ako para magsabi⦠kumbaga hindi ko pa siya nakakausap until they come back,ā lahad ni Pilita.
Ayaw rin daw niyang panghimasukan ang buhay ng kanyang apo.
āKaya ako naman, ayaw ko na manghimasok. āUy, si Janine pala may boyfriend na ganitoā, hindi ko naman kilala. Unless Janine talks to me, I cannot say anything,ā dagdag pa ni Pilita.
Related Chika:
Payo ni Pilita kay Janine nang ātarayanā ng female celeb: Sana sinampal mo agad!
Pilita Corrales kay Janine Gutierrez: Sana huwag na lang siya mag-asawa!
Pilita Corrales basag na basag sa fans: Paano mo nasikmurang gawin yun kay Janine!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.