Pilita Corrales basag na basag sa fans: Paano mo nasikmurang gawin yun kay Janine!? | Bandera

Pilita Corrales basag na basag sa fans: Paano mo nasikmurang gawin yun kay Janine!?

Alex Brosas |February 10,2020
facebook
share this

Pilita Corrales basag na basag sa fans: Paano mo nasikmurang gawin yun kay Janine!?

Alex Brosas - February 10, 2020 - 12:30 AM

 

NEGANG-NEGA ang dating ngayon nina Pilita Corrales at Lolit Solis dahil sa isang episode ng Facebook show ng huli kung saan buong ningning na sinabi ng una na pinagalitan niya si Janine Gutierrez for her “Oh God” comment sa pagbabalik-telebisyon ni Bong Revilla.

“Medyo nakakahiya naman na naging guest lang natin si Pilita Corrales heto at nasa gitna siya ng controversy kay Lotlot de Leon. Sana naman maging maayos ang mga pangyayari dahil hindi naman siguro dapat na iyon old wounds buksan pa uli.

“Wala akong kinakampihan sa dalawa lalo pa nga at talagang hanga ako na lahat ng anak nila Ramon Christopher at Lotlot lumaking maayos at nakatapos ng pag-aaral.

“Siguro dahil na rin sa guidance nila Pilita at Lotlot. Sure ako na naging magkatulong silang tatlo kung bakit lumaking maayos ang mga bata, for that alone, isang malaking karangalan iyon sa kanila bilang mga magulang at lola.

“Now, anuman siguro mga hindi magustuhang salita huwag na lang palakihin pa. Maayos na ang lahat sana manatili na lang ganun. Let bygones be bygones. No more hatred, love love na lang. Likas na mabait sila Pilita at Lotlot, so alam ko, maayos ito.”

That was Lolit’s recent post sa Instagram account niya. Mas lalong naimbiyerna ang netizens sa dalawa.

“Ikaw kasi ang may kasalanan, lahat ng bumabatikos sa alaga mo eh inaaway mo. Simpleng comment ni Janine pinalaki mo samantalang lahat may karapatang magbigay ng saloobin nila. Matagal ka na sa showbiz dapat alam mo na negative or positive comment man dapat tanggapin.”

“Paano nya nasikmurang sabihin yun in public lalo na apo nya pala si Janine. Naawa na ako kay Janine kase wala naman syang nasabi na masama sa inyo pero grabe kayo magbitaw ng salita. Karma will serve soon.”

“Hindi nyo po ba napupuna na kayo din po ang nagpapalaki ng isyu? At nagkakaron tuloy na damay sa mga isyu mo. Since maka Bong ka pabor sa inyo ang sasabihin ni Pilita. now its a fight between lotlot and pilita.”

Patay na ang issue between Bong and Janine, kung bakit kasi binuhay pa ni Pilita. Ayan tuloy ang napala ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending