Bea Alonzo nakitaan ng 'bukol' sa tiyan, netizen naalarma

Bea Alonzo nakitaan ng ‘bukol’ sa tiyan, netizen naalarma

Therese Arceo - January 23, 2025 - 10:09 AM

Bea Alonzo nakitaan ng 'bukol' sa tiyan, netizen naalarma

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung ano ang nakitang tila bukol sa bandang tiyan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa isa sa mga recent episodes ng “Showbiz Updates” ay napag-usapan nina Ogie Suaz ang napansing bukol umano sa tiyan niya sa larawang kuha kasama ang co-actor na na si Bianca Manalo.

“Sinend sa akin ng isang netizen [yung picture nila Bea]. E, parang pinapasagot niya ako do’n sa kaniyang katanungan na hindi ko naman alam kung anong isasagot,” panimula ni Ogie.

Sagot naman ni Mama Loi, “Ano bang tanong?”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo luma-lovelife na, may dyowang non-showbiz guy?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Binasa naman ng talent manager ang natanggap na mensahe tungkol sa larawan ni Bea.

“Ito nga, ‘Sir Ogie, ano po kaya ‘yong nakabukol sa harap o gilid ni Bea.’ [sabay send ng larawan].

“Alam mo sa totoo lang, baka ano lang ‘yon, anggulo lang. Baka nasinagan lang ng araw,” saad naman ni Ogie.

Chika naman ni Mama Loi, baka daw shadow lang lalo na’t naka-bodycon dress si Bea.

Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag ang aktres tungkol sa isyu.

Samantala, trending naman ang last episode ng “Widow’s War” na ponagbibidahan nina Bea at Carla Abellana dahil sa green screen umanong background.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending