Bea hugot na hugot: Hindi naman marriage laging endgame ng lahat
MAY mga nanliligaw ngayon sa Kapuso actress na si Bea Alonzo pero mukhang mas gusto muna niyang i-enjoy ang kanyang pagiging single.
Happy naman daw si Bea sa estado ng personal life niya kasabay ng pagsasabing hindi palaging kasal ang dapat maging ending ng buhay ng bawat tao.
Hindi naman daw totally isinasara ng Kapuso star ang kanyang puso sa bagong pag-ibig ngunit hindi raw niya hinahanap ito at wala rin sa priority niya.
Nilinaw din niya na may mga nagpaparamdam ngayon sa kanya pero wala siyang dine-date exclusively.
Sa panayam ng “Saksi,” nabanggit ni Bea na sa pakikipagrelasyon, mas mahalaga raw sa kanya ang “strong connection” dahil kasunod na nito ang compatibility.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’
Sey pa ni Bea, hindi na rin niya pini-pressure ang sarili pagdating sa usaping pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.
“Hindi naman marriage ‘yung laging endgame ng lahat,” chika ni Bea.
“You know, maybe when you have different paths, you have different destinies and faith…I mean, if it happens, I’ll be happy, but it doesn’t mean that I would beat myself up if it doesn’t happen,” pahayag pa ng ex-fiancé ni Dominic Roque.
View this post on Instagram
January, 2021 nang malantad ang relasyon nina Bea at Dominic sa publiko at makalipas ang ilang buwan ay proud na kinumpirma ng aktres ang relasyon nila ng aktor.
Nag-propose si Dominic kay Bea noong July, 2023 kasunod ang balitang magaganap daw ang kasal ng ex-couple noong taon ding iyon o sa unang quarter ng 2024.
Kumalat ang chikang hiwalay na sina Bea at Dominic nang mapansin ng mga netizens na hindi na suot ng aktres ang kanyang engagement ring.
Ilang linggo ang nakaraan, naglabas ng joint statement ang dalawa at kinumpirmang hiwalay na sila at hindi na matutuloy ang wedding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.