Sue na-meet na ang parents ni Dominic, hirit ng fans: ‘Waley na, finish na!’

Sue Ramirez na-meet na ang parents ni Dominic Roque
MATAPOS ang hard launch ng kanilang relasyon kamakailan lang, level up agad sina Sue Ramirez at Dominic Roque!
Ipinakilala na kasi ni Dom si Sue sa kanyang mga magulang.
Ang “meet the parents” pictures ay kumalat sa social media matapos i-share ng Instagram fan page na @crazyfor.dominsue.
Makikita sa litrato na magkatabi ang nanay ni Dom at ang aktres, habang nasa magkabilang gilid naman ang aktor at ang kanyang tatay.
Baka Bet Mo: Dominic Roque, Sue Ramirez matagal nang mag-on, binuking ni Ogie?
Ang bungad sa caption, “Sue with Dom’s mother and father [red heart emoji]”
“Love this so much!! Punong puno ng pag-ibig ang paligid hayys,” wika pa ng fan page.
Mensahe pa nito, “More family bondings to come [smiling face with hearts emoji].”
View this post on Instagram
Sa comment section, nagkagulo ang maraming netizens na kilig na kilig at tuwang-tuwa para sa couple.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Wow! Happy for DominSue [red heart emoji]”
“Wow meet the parents na! Ikasal n yan hehe [smiling face with heart eyes emojis]”
“Very bagay na bagay!!! [smiling face with heart eyes, red heart emojis]”
“Sana kayo n 4everdominsue [red heart emojis] happy family [red heart emojis]”
“@senyora.official waley na finish na [laughing emoji]”
Magugunitang opisyal na kinumpirma nina Dom at Sue ang kanilang real score nang rumampa silang magkasama sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2025 makalipas ang ilang buwang espekulasyon.
Kung matatandaan, ang aktor ay na-engage kay Bea Alonzo noong 2023, pero sila ay nagkahiwalay rin last year.
Si Sue naman ay limang taong naging boyfriend si Victorias City Mayor Javi Benitez, pero sila ay nag-break din nitong taon.
Nagsimula ang dating rumors sa pagitan nina Sue at Dom nang mag-viral sa social media ang video ng aktres na tila hinahalikan ang aktor habang sila ay nagbabakasyon sa Siargao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.