Dominic Roque, Sue Ramirez matagal nang mag-on?

Dominic Roque, Sue Ramirez matagal nang mag-on, binuking ni Ogie?

Therese Arceo - December 17, 2024 - 07:04 PM

Dominic Roque, Sue Ramirez matagal nang ma-on, binuking ni Ogie

MATAGAL na nga bang may namamagitan sa aktres na si Sue Ramirez at kapwa aktor na si Dominic Roque?

Kung ang tatanungin raw kasi ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, noon pa man ay may something na sa dalawa.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” hosted by Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena ay napag-usapan nila ang kumakalat na picture nina Dominic at Sue na magkasama umano s isang car dealership.

Kaya agad namang inusisa ni Mama Loi kung may katotohanan ba ang chikang sila na.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez may pasabog sa namamagitan sa kanila ni Dominic Roque

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“‘Di ba mula pa sa isang source ko noon pa? Siya ang nagko-confirm na sila na. Kasi nga, mayro’n nang bonding moments din ‘yong family ni Dominic at ‘yong family ni Sue.,” saad ni Ogie.

Ngunit paglilinaw naman ng talent manager, wala pang hingian ng kamay o pamamanhikan na nagaganap.

“Parang nagbibigay lang ng ulam kay Sue. ‘Ayan, ulam Sue galing sa nanay ko,’ ganyan,” chila ni Ogie.

Matatandaang isa sina Sue at Dominic sa mga mainit na pinag-usapan noong buwan ng Nobyembre.

Ito ay matapos mag-viral ang video nila na kuha sa isang bar sa Siargao jung saan nakita silang naghalikan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito, namataan ring magkasamang muli ang dalawa sa Siargao matapos ang panonood ni Dominic sa premiere night ng pelikula ni Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Again.”

Ilang araw matapos nito ay na-corner naman ng isa sa mga entertainment media si Sue at natanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Dominic.

Ang tanging sagot lang noon nf dalaga ay masaya sil at ini-enjoy ang company ng isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending