Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa? | Bandera

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Reggee Bonoan |January 22,2022
facebook
share this

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Reggee Bonoan - January 22, 2022 - 05:25 PM

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

DIRETSAHANG inamin ng aktres na si Sue Ramirez na hindi pa siya handang tumira sa Victorias City, Bacolod City kung saan kumakandidatong mayor ang boyfriend niyang si Javi Benitez sa Mayo 2022.

Sa panayam kay Sue sa “Cristy Ferminute” nina Cristy Fermin at Romel Chika nitong Biyernes ng hapon para sa promo ng upcoming TV series na”The Broken Marriage Vow” na mapapanood din sa TV5 simula sa Lunes, Enero 24.

Ang tanong ni ‘nay Cristy kay Sue, “ Ikaw ba ay handa nang manirahan sa Victorias?”

Natawa to the max si Sue muna, “Parang hindi pa ‘nay! Parang ang sarap pang sundan itong ‘The Broken Marriage Vow’ at saka kakaayos lang ng bahay ko, excited ako. Actually, hindi pa nga po buo kaya ‘yun din po ang excitement ko, what’s next for Sue?”

Sa madaling salita ay hindi pa kayang iwan ng aktres ang kanyang showbiz career dahil sa pagkakaalam namin ay ngayon palang nga naman siya nakakakuha ng juicy roles at dahil siguro sa magandang performance niya sa “The Broken Marriage Vow” ay baka may mga kasunod ulit siyang project bagay na gustung-gusto niya kaya kaagad niyang sinabing ‘hindi pa ‘nay!’ At sure naman kaming suportado si Sue ng kasintahang si Javi sa pangarap niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

 

Sa tanong kung bakit maganda ngayon si Sue dahil blooming talaga ngayon ang dalaga.

Natawa ulit, “’Nay siguro kasi masaya po ako sa kalooban, masaya po ako mag-isip and kuntento po ako sa mga bagay na meron po ako kasi di ba nga, nakakapangit talaga kapag malungkot?”

Dagdag naman ni nanay Cristy, “sinulat ko kanina sa kolum ko na na ang babae kapag pag maganda ang puso mas gumaganda sa paningin ng kanyang kaharap. Napakabuti ng puso ni Sue Ramirez walang karate-arte, walang kayabang-yabang, napaka-professional at wala kang maririnig na artistang namimintas sa kanya. Mahal siya ng mga ka-trabaho niya.”

Sabi naman ni Sue, “sa totoo lang po ‘nay, ‘yun lang naman talaga ang gusto nating iwan, eh. Pagka in the future medyo mawala ka naman sa limelight o sa mga alaala na naiwan mo sa mga tao kung paano mo sila trinato at kung paano ka naging special sa kanila ‘yun naman talaga. ‘Yun po talaga ang success para sa akin ‘nay.”

“Tama ka diyan anak! Ang first barometer ng pagiging mabuting tao ‘yung lahat ng nakapalibot sa kanya malayuan at malapitan, mahal ka! Kaya ka maganda, ‘yun ang gusto kong marinig sa ‘yo,” papuri ni ng beteranang manunulat at online host kay Sue Ramirez.

Base rin sa mga CFMers na nagpadala ng mensahe kay ‘nay Cristy, “Si Sue Ramirez ang sexy na hindi bastusin, ang ganda po niya.”

Samantala, marami ang nag-aabang sa “The Broken Marriage Vow” dahil kung paano raw magtatagisan ng galing sa pag-arte ang bidang si Jodi Sta. Maria at kontrabidang si Sue handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Connie Macatuno.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending