Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit... | Bandera

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Ervin Santiago - January 20, 2022 - 06:50 AM

Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Jodi Sta. Maria

“FOREVER” nang nakatatak sa isip at puso ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang pagsasama nila ni Jodi Sta. Maria sa “The Broken Marriage Vow.”

Dream come true para sa dalaga ang makatrabaho si Jodi dahil isa raw talaga ang award-winning actress sa matagal na niyang idol sa showbiz.

Si Sue ang gaganap na kabit ni Zanjoe Marudo sa nasabing serye habang si Jodi naman ang magiging legal wife.

“The first time ko siya na-meet, hindi pa ako artista. Nag-taping sila sa Multinational (village) dati nu’ng bata ako. 

“So, nag-bike talaga ako papunta sa location kasi gusto ko talaga siya makita tapos piniktyuran ko siya sa flip ko na phone. 

“So, grabe nakaka-overwhelm na binatukan ko na siya. Dati ko pinipiktyuran ko lang siya, dalawa pa sila ni Thirdy nu’n. Tapos ngayon nabatukan ko na siya. 

“Hindi ko talaga alam paano nangyari yun pero ang ganda ng na-build namin na relationship sa loob ng set. It was very professional and of course with a mix of personal na din namin. So masaya. Gustung-gusto ko yung mga katrabaho ko,” kuwento ng dalaga.

Ayon pa kay Sue, totoong tao at walang kaplastikan ang pagkatao ni Jodi, “Si Ate Jodi talaga wala ako masabi. Napakabuting tao. Napakabuti ng kanyang puso at kanyang isip. Hindi siya nagagalit. Palagi lang siyang kalmado. 

“And then every time hindi mo maiwasan pag matagal na kayo sa set, may mga hindi pagkakaunawaan pero siya yung unang-unang kakalma sa mga tao. 

“Siya yung unang unang magsasabi na, ‘We can do this altogether. We’ll help each other.’ Yayakapin kami niyan ni ate Jodi kapag umiiyak kami. Imagine mo ang tagal na namin du’n, yung mga personal problems namin siyempre hindi mo na maiwasan isi-share mo na talaga sa mga kasama mo.

“So ina-acupuncture kami ni ate Jodi kapag rest day para lang maibsan ang aming mga stress. And aaminin ko kapag umiiyak ako si ate Jodi yung unang magte-text sa akin na ‘I hope you feel better today.’ 

“Yung mga ganyan. Grabe hindi ko talaga ma-explain. Sobrang amazed na amazed ako sa tao na yun,” pahayag ni Sue.

View this post on Instagram

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Tungkol naman sa pinag-uusapang eksena nila ni Jodi sa bago nilang drama series kung saan binatukan niya nang bonggang-bongga ang aktres, never din daw niya itong makakalimutan sa buong buhay niya bilang artista.

“Napakaimportante sa mga artista na nag-uusap sila bago nila kunan ang mga ganung maseselan na mga eksena. Of course ngayon lalo na may pandemic hindi naman tayo puwedeng basta-bastang humahawak sa mga katrabaho natin dahil nga hindi natin alam baka magkalat tayo ng sakit. 

“So may mga paalamanan yan. I was really hesitant to do it. Kaya naman namin siguro i-acting na lang ni Jodi, eh. Pero she told me na, ‘Sue gawin mo. Okay lang ako.’ 

“And then in-instruct pa niya ako kung saang part sa head ang medyo sensitive. I was really scared kasi ang liit kaya ng head ni ate Jodi kung alam niyo lang.

“Imaginine n’yo, konting pagkakamali so ang laki ng pressure sa akin. Lokang-loka ako. Bawal nga masahiin yung batok tapos mambabatok pa ako.

“Anyway kailangan ko siya gawin kasi ginawa sa lahat ng versions ng Dr. Foster so bongga yung eksena na yun. Crucial siya and nakuha namin in one take na tinotoo talaga yung batok. 

“May alalay lang talaga pero kinailangan talagang dumikit para maganda rin yung pagkakahulog ng ullo ni ate Jodi. 

“At saka sinabi niya sa akin na gawin ko talaga kasi kapag di ko ginawa at di nagustuhan ni direk (Andoy Ranay), ipapaulit at pareho kaming mahihirapan,” chika pa no Sue.

Mapapanood na ang Philippine adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster” sa Jan. 24 at 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page, iWantTFC at TFC.

Makakasama rin sa “The Broken Marriage Vow” sina Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie-Ann Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, JB Agustin, Susan Africa at Ronnie Lazaro, sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

https://bandera.inquirer.net/285057/sue-ramirez-ni-minsan-di-naramdamang-pangit-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302895/sue-never-nag-inarte-sa-mga-love-scene-nila-ni-zanjoe-hindi-na-kami-nahirapan-dahil
https://bandera.inquirer.net/302801/sue-ramirez-tinotoo-ang-bonggang-batok-kay-jodi-i-was-really-scared-ang-liit-kaya-ng-ulo-niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending