‘Weak Hero Class 2’ ipinasilip na, muling magpapasabog ng aksyon sa April 25

PHOTO: Courtesy of Netflix
KUNG akala mo’y tapos na ang laban sa K-Drama na “Weak Hero Class,” nako, maghanda ka!
Mas intense, mas madugo, at mas emosyonal kasi ang pagbabalik nito na mapapanood na simula April 25, exclusive sa Netflix.
Sa main trailer, masisilayan ang bagong yugto sa buhay ni Yeon Si-eun (Park Ji-hoon), ang tahimik pero matalinong estudyante na minsan nang nilamon ng karahasan.
Sa bagong season, kailangan niyang muling harapin ang mas mapanganib pang mundo sa kanyang bagong paaralan.
Baka Bet Mo: Shin Min-a, Park Hae-soo bida sa bagong K-Drama na ‘Karma’, babandera sa Abril
Kung naadik ka sa season 1 ng serye, siguradong hindi ka pa rin makaka-move on sa mga nangyari sa Byuksan High School kung saan ang bidang si Si-eun, isang modelong estudyante, ay hindi na tinantanan ng mga bully.
Pero hindi siya nag-iisa dahil nakahanap siya ng kakampi kina Su-ho (Choi Hyun-wook) at Beom-seok (Hong Kyung), at nagsimula ang isang madugong pagkakaibigan na ginawang literal ang salitang “ride or die.”
Ngayon sa “Weak Hero Class 2,” pagkatapos mawalan ng mahal na kaibigan dahil sa karahasan, pinipilit ni Si-eun na mabuhay muli sa bagong paaralan, sa bagong laban, at sa bagong mga kalaban.
Kasama sa bagong kabanata ang mga bagong mukhang siguradong magdadala ng sari-saring pasabog at panibagong barkadahan o bangayan.
Kabilang na riyan sina Ryeo-un, Choi Min-yeong, Lee Jun-young, Yu Su-bin, Bae Na-ra, at Lee Min-jae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.